MINI REUNION
All the pictures here was taken last July 14th 2007 at Tep’s place…yun lang po bow! THANKS SA HANDA AT INOM!!! Sana masundan pa!
Kaytagal na din namin di nagkikita ng mga classmate ko from college, higit 5 years na din yata, hindi naman lahat, kasi yung ibang tropa ko ay nakakasama ko pa rin minsan sa mga gimikan…OK naman ang gabi namin, Bday kasi ng nanay ni Tep, Pinaglabas niya kami ng walastik na sinigang na baboy, maasim asim parang kili-kili ni Kili-Killer noong bata pa sya! hehehe! tapos meron din inihaw na bangus , BBQ at maning sung-sung! after namin lumamon, nagsimula na kaming magsunog ng baga…unang ininom namin ay halong Absolut at Sprite tapos Absolut ulit, tapos meron pa nung ROSE na parang Bailey’s (hindi na ako uminom nun kasi nasusuka na ako) may tequila na hindi ko alam kung naubos and lastly yung Bombay, ano ba yung Bombay na yun Tep? katas ng medyas at brief ng pinagpawisang bombay??? hihiihihi! Mega chikahan ang mga gurls at boys at naggitara din kami gamit ang maganda at mabigat na gitara ni Doods! (grabe sobrang laki mo ng bata ka!) at ayun si Badet lasing nagwawala kulang maghubo! 2am na ng matapos kaming uminom…dumiretso kami sa bahay nina Carlo after, nandun si Emil natutulog na, nakanganga pa nga eh at may nag-mimidnight snack na ipis sa pagitan ng mga ipin niya, kumakain ng tinga ( hindi mo naramdaman yun???) tapos natulog na kami at kinabukasan na kami umuwi ni Gary.
Note:
Pagmasdan mo yung ilang picture dyan…Ang dami daming Orbs nakapalibot sa amin…katakot ampotah!!! may kaluluhang ligaw dyan sa bahay nina Tep!
