Archive for July, 2007

I DECLARE HALF-DAY!!!

Sunday, July 22nd, 2007

Haaayy nakuh! Imbyerna ako at nasira ang araw ko dahil sa Boss ko…paano ba naman, dineklara na nga na hlaf-day ngayon dahil may SONA si PGMA, tas sabi niya, kami daw magstay til 4pm!!!! ….  isa pa nga…. 4pm!!!!! although wala naman kaming ginagawa ngayon dito dahil nasa Davao ang  bossing namin, eh mas mabuti pa ding wala ako dito sa office dahil napaka-limited lang ng magagawa ko ditey! Haaayyy…may magagawa pa ba ako? hindi naman ako pwedeng sumaway at mag-welga ako ditong mag-isa noh! kaya gagawin ko nalang productive ang day ko, magsusulat nalang ako, magdo-drawing, mag-babasa at kakain til 4pm! OO til 4PM!!!! Mamayang 1pm wala na din ang internet connection dito kaya anak-ng-tatlong-puting-tupa hindi na ako makakapag-surf… ang laki ng problema ko noh? heheheheh!

kanina pa ako naaasiwa sa amoy dito, paano amoy paa, amoy bulok na paa, amoy bayag na natuyuan ng pawis at tatlong araw ng hindi nahuhugasan! teka…bat ko alama ang amoy nun???!!! anyway, kasi ba naman may canteen naman at kung bakit ba dito pa nagsisikain ng lunch tong mga empleyado dito…kakain ng bagoong, kakain ng isda, kakain ng daing, kakain ng durian, kakain ng kung ano ano na gusto nilang kainin…ewan ko ba! well, siguro kaya naman gusto nilang kumain dito sa office ay dahil mas malamig dito kaysa sa canteen namin na mala-impyerno ang init kung walang electric fan….OH take note, Governtment office tong sinasabi ko ah! Kupal diba? at eto pang nakakatawa na halong nakakainis, puking-inang yan, yung kubeta sa canteen nanlilimahid na at amoy bulok na tulok at tae at super-panghe ay hindi manlang maayos at mapa-renovate…hindi mo naman masasabing walang budget dahil imbis na ipaayos ang facilities ay inuna pang magpagawa ng basketball court ang mga kupal dito!!!  ang galing galing diba? Government office ito! as in! ang dami nilang budget kapag may event, kapag may pupuntahang mga lugar, pero facility nila hindi manlang mapaayos!

Betlog! 4 na oras pa akong magtatampisaw sa kawalan…di bale na, bat ba ako nagrereklamo eh bayad naman ako diba???

To my Faithful Companion

Tuesday, July 17th, 2007

Ilang buwan pa lang ang nakakaraan mula ng nawala ang aso namin si Grinch… nagluksa kaming lahat ng mga kapatid ko at pamangkin ng mangyari yun, pakiramdam namin ay para kaming namatayan ng kamag-anak… Ilang araw palang ang lumilipas ay may nabili ang Ate ko na tuta, sa likod bahay namin, php 100.00 lang ang bili niya.Di na ako makapag-antay na makita ang bago naming alaga dahil sabi nila ay kahawig daw ito ni Grinch, kulay brown din kasi, kaya naman umuwi ako kaagad at laking gulat ko ng makita ko siya…ANG KYUT KYUT!!!! nakakatuwa, ang sarap panggigilan, sarap makipaglaro sa kanya, naghahabulan kami, binilhan namin siya ng tali para makapaglakad lakad kami sa labas, binigyan din namin siya ng makakagat dahil  marami na siyang nasisirang gamit sa bahay, naisama din namin siya sa family outing namin…bumalik ang saya sa loob ng bahay namin, lalo na ang pamangkin ko na talagang iyak ng iyak noong mawala si Grinch.

Gaya ng ibang naging aso namin, isang malaking bagay ang pagbibigay ng pangalan, hindi dapat basta basta lang, kailangan madaling bigkasin, madaling tandaan at maganda sa pandinig, at dapat may tunog na "EEEE" sa dulo ng pangalan niya. May naisip na kaming pangalan, WILBUR ang naisip namin, nakuha namin ang panglan mula san pelikulang Charlotte’s Web, yung baboy kasi dun pangalan Wilbur… ok na sana kahit walang EEEE sound sa huli, pwede naman namin siyang tawaging Wilby…Sam Wilby? …Pero hindi pa din ako satisfied sa pangalan…may mali eh, parang di bagay…so naisip ko, dahil mahilig ako sa STARWARS, pinangalanan namin siyang OBI oh diba? simple, madaling bigkasin, madaling kabisaduhin at madaling tandaan…

Napamahal na kami kay Obi, at ganun din siya sa amin, ngunit di na namin kaya ang ginagawa niyang pagngangat-ngat, kaya napagdesisyunan naming itali na siya, hindi namin gawain ang magtali ng aso, dahil pakiramdam namin ay para silang alipin na pinahihirapan…madalas ang pag-ulan ng mga sumunod na mga araw…Ulan-araw-ulan-araw pabago-bago ang panahon di mo maintindihan, may sapak, may toyo, kulang sa turnilyo…At biglang nabalitaan kong may sakit daw si Obi, nanghihina siya, hindi kumakain at hindi na siya ganun ka-active…suka at tae ang ginagawa niya kaya naman tinanggal na namin siya sa tali at sa loob ng bahay na namin siya pinatulog…Binulati sya, yun ang dahilan ng kanyang pagkahina, kaya binigyan namin siya ng gamot na pampapurga. OK naman at epektib ang gamot, nailalabas naman niya ng unti-unti ang mga bulate…Nang makauwi ako sa bahay ay siya kaagad ang tiningnan ko, dahil naaawa na kami sa kanya dahil hindi na siya makakain at punong-puno sya ng itlog ng bangaw sa katawan. Pinaliguan namin kaagad ni Ate si Obi para mawala ang baho at maalis ang mga itlog ng bangaw, nasulyapan ko pa nga ang tumbong nya at puno ito ng mga gumagalaw na bulate na kulay puti, madami sila, as in sobrang dami na halos masuka suka ako ng makita ko…Kinaumagahan, tinatawag ko si Obi sa labas mula sa loob ng bahay, hindi na siya gumagalaw, kaya sabi ko "patay na yata si Obi?" pero hindi pa pala…hindi niya lang ako naririnig, gumalaw kasi siya ng nilapitan siya ng pamangkin ko…napabuntong hininga nalang ako at sinabing "haaayyy salamat at buhay pa siya" sabi ko kay Obi na dapat lumaban siya na dapat balang araw sasabihin namin sa mga kaibigan namin na " akala nga namin mamamatay na yan noon eh, pero tingnan mo ngayon ang lakas lakas niya" …at tumuloy na ako sa aking trabaho…

Di natapos ang araw na yun at nabalitaan ko na lamang na wala na si Obi…Dinatnan nalang siya nina Ate na walang malay at tirik ang mata, naglalaway at nilalangaw…naawa ako sa kanya, naawa ako kasi ang bata bata pa niya, naaawa ako dahil hindi manlang namin siya nadala sa beterinaryo dahil wala kaming pera,tanginang pera yan, ang daming namamatay araw araw dahil tanginang perang yan!!! ……………………..OBIIIIIIIIIIIII!!!!!!!!!!!!!! patawarin mo kami kung mayroon man kaming pagkukulang, ginawa namin ang aming makakaya para mabuhay ka, mahal na mahal ka namin Obi, pinasaya mo kami kahit sandali lang…salamat sa iyo naway nasa langit na ng mga aso ang kaluluwa mo!

MINI REUNION

Sunday, July 15th, 2007

Dscn1990 Dscn1980  Dscn1974 Dscn1965 Dscn1963_1Dscn1966 Dscn1967 Dscn1968_1 Dscn1969 Dscn1970 Dscn1971_bw 

Dscn1978Dscn1972

Dscn1975 Dscn1979

All the pictures here was taken last July 14th 2007 at Tep’s place…yun lang po bow! THANKS SA HANDA AT INOM!!! Sana masundan pa!

Kaytagal na din namin di nagkikita ng mga classmate ko from college, higit 5 years na din yata, hindi naman lahat, kasi yung ibang tropa ko ay nakakasama ko pa rin minsan sa mga gimikan…OK naman ang gabi namin, Bday kasi ng nanay ni Tep, Pinaglabas niya kami ng walastik na sinigang na baboy, maasim asim parang kili-kili ni Kili-Killer noong bata pa sya! hehehe! tapos meron din inihaw na bangus , BBQ at maning sung-sung! after namin lumamon, nagsimula na kaming magsunog ng baga…unang ininom namin ay halong Absolut at Sprite tapos Absolut ulit, tapos meron pa nung ROSE na parang Bailey’s (hindi na ako uminom nun kasi nasusuka na ako) may tequila na hindi ko alam kung naubos and lastly yung Bombay, ano ba yung Bombay na yun Tep? katas ng medyas at brief ng pinagpawisang bombay??? hihiihihi! Mega chikahan ang mga gurls at boys at naggitara din kami gamit ang maganda at mabigat na gitara ni Doods! (grabe sobrang laki mo ng bata ka!) at ayun si Badet lasing nagwawala kulang maghubo! 2am na ng matapos kaming uminom…dumiretso kami sa bahay nina Carlo after, nandun si Emil natutulog na, nakanganga pa nga eh at may nag-mimidnight snack na ipis sa pagitan ng mga ipin niya, kumakain ng tinga ( hindi mo naramdaman yun???) tapos natulog na kami at kinabukasan na kami umuwi ni Gary.

Note:
Pagmasdan mo yung ilang picture dyan…Ang dami daming Orbs nakapalibot sa amin…katakot ampotah!!! may kaluluhang ligaw dyan sa bahay nina Tep!

Siya pala si….

Friday, July 13th, 2007

Ralph Fiennes Photo

Lord Voldemort

VOLDEMORT!!! kakatakot amfotah!

HUWAG SANA NATING ITAPON…PAGMAMAHAL NA TAPAT!

Friday, July 13th, 2007

Noong isang Buwan ko pa kinakanta ito, halos araw araw kong kinakanta, sobrang ganda kasi, sobrang emotional, sobrang nafi-feel ko ang lyrics, hindi ko alam kung bakit…Siguro dahill noong mabasa ko ang love story ng singer ay halos maiyak ako noong pinakikinggan ko ito…hindi lang itey, kundi yung iba pa niyang kanta…LUFET MO GORYO!!!

Sana Maulit Muli
By: Gary Valenciano

Sana maulit muli
Ang mga oras nating nakaraan
Bakit nagkaganito
Naglaho na ba ang pag-ibig mo?
Sana’y maulit muli
Sana bigyan pansin ang himig ko
Kahapon, bukas, ngayon
Tanging wala ng ibang mahal

Kung kaya kong iwanan ka
‘Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
‘Di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana

Ibalik ang kahapon
Sandaling ‘di mapapantayan
Huwag sana nating itapon
Pagmamahal na tapat

Kung ako’y nagkamali minsan
‘Di na ba mapagbibigyan
O giliw, dinggin mo ang nais ko, oooh…

Kung kaya kong iwanan ka
‘Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
‘Di na sana lalapit pa
Kung kaya ko sana

Ito ang tanging nais ko
Ang ating kahapon sana maulit muli

Kung kaya kong iwanan ka
‘Di na sana aasa pa
Kung kaya kong umiwas na
‘Di na sana lalapit pa
Mahal pa rin kita
O giliw, o giliw ko, oooh…

kung gusto mong kantahin siya with a background music…just log on to http://www.ex-designz.net/filipinolyrics/displaysong.asp?lid=44

No joke, pang videoke online ang site na itey!!! Happy Crying!

S at T

Tuesday, July 3rd, 2007

May katagalan na din mula ng huli akong uminom ng Gin, siguro lampas isang taon na din, hindi ko nakahiligan ang uminom ng Gin, masyado kasing matapang para sa akin, pakiramdam ko kasi para itong muriatic acid na sa bawat inom ko ay natutunaw ang mga lamang loob ko. Ngunit noong nakaraan miyerkules, June 20, ay nagbalik ang Gin na aking kinasusuklaman…Nag-celebrate kami ng kaarawan ng utol ko, may 3 siyang bisitang dumating at may dala silang alak…hulaan mo kung ano ang dala nila? (drum rolling……tsing!) GIN! So sabi ko “patay kang bata ka!” Balak ko nalang sanang mag-beer ng gabing iyon dahil ayaw ko talaga ng Gin, ngunit napansin ko na ibang klaseng Gin ang dala nila, hindi yung karaniwang iniinom ng mga tambay sa kalye kapag wala na silang makain at tinatawid nalang ang gutom nila sa paraan ng paglalasing…Ang dala nila ay GSM Premium Gin, Ginebra pa din pero kakaiba, mas sosy itey, nakakahon ito na kulay puti, at ang bote niya ay mas malaki, halos kasing laki ng karaniwang quatro kantos, sabi nila mas madali daw inumin at walang sabit sa lalamunan, kaya naman sabi ko ay “OK yan sige subukan ko…simulan na natin yan!” Inom lang kami ng inom…inom-kain ng pulutan-inom-laro ng computer-inom-kain-inom-laro…at di nagtagal ay naubos din namin ang GSM Premium at tsaka kami nagbanlaw ng SML, ayos ang lasa ng GSM Premium, banayad nga at madali inumin, Kahit tubig nga lang chaser mo ay pwede na pero kami nag-sprite…makalipas ang 4 na oras ay natapos na kaming magsunog ng baga, OK naman at naidaos naming ang bertday ng utol ko, madami din naman siyang handa kaya hindi nagutom ang kanyang mga bisita. Halos 11pm na kami natapos, hinatid namin ang mga bisita niya sa gate ng subdivision at umuwi na kami at natulog kaagad dahil may pasok pa kinabukasan.

at nagsimula na ang aking kinakatakutan

Nagising ako bandang 5:30 ng umaga kinabukasan, dali dali akong naligo, nag-kape at kumain ng almusal para hindi ako ma-late (ulit) medyo napansin ko na parang nahihilo ako mula ng ako’y magising pero hindi ko masyadong inisip at umalis na ako ng bahay…Pagkasakay ko ng dyip ay dun ko na talaga naramdaman na may Hang-Over ako…As in parang umiikot ang paligid ko, parang nakasakay ako sa chubibo na caterpillar na roller coaster na octopus…medyo nararamdaman ko na para akong masusuka…pagdating ko sa pilahan ng FX ay “diyos kooo! Ang haba haba ng pila”…nag-yosi muna ako at bumili ng softdrinks at kendi dahil nagsisimula ng mawala ang panlasa ko. Ilang minuto din akong naghintay sa FX bago ako makasakay at 7:30 na nung makasakay ako kaya siguradong late na ako…habang bumabyahe na ako sa FX ay nakaramdam pa ako ng isang hindi inaasahan”OMG na-tatae ako!” Sa isip-isip ko, “tangina sana umabot ako” nangangasim na ang sikmura ko, yung suka ko nararamdaman ko na sa leeg ko na gusto ng bumulwak at nagluluha na ang mga mata ko sa sobrang hilo…tiniis ko ang lahat ng halos 45 mins…pagdating ko sa building namin ay hindi na muna ako nag-punch sa bundy, natataranta na kasi ako kaya kumaripas kaagad ako ng takbo sa isang CR na nadiskubre ko na wala masyadong gumagamit at talagang malinis, bago palang kasi. Walang atubiling dinampot ko ang tabo at pinuno ko ito ng tubig para panghugas, pasok kaagad ako sa cubicle at ayun…nagmistulang poso ako na binobomba sa kakasuka, halos mapuno ko ng suka ang bowl ng kubeta, suka ako ng suka hanggang wala na akong maisuka, pakiramdam ko maisusuka ko na rin pati bituka ko, masakit sa lalamunan at sa tiyan, talagang mangiyak-ngiyak ako pero nakuha ko pa ding litratuhan ang sarili ko ng mga oras na yun, naisip ko kasi na magandang ilagay sa blog ko ang pangyayari at mas maganda kung may visual presentashiieeen!…Pagkatapos kong sumuka ay hinubad ko na agad ang aking pantalon upang jumerbaks naman…dumampot na din ako ng sigarilyo para hindi mangamoy ang ebs…iiri palang ako ay biglang VAVAVOOOM!!! WRAAAKKKKK!!!! SPRAAAAKKKK!!!! sabog din ang ebs ko, parang atomic bomb, walang ka-effort effort na nailabas ko ang ebs na ilang minuto ng simisirko at nagwawala sa loob ng tiyan ko, twice ko pa ngang fina-lush kasi hindi makuha sa isang pindot lang. Hilong hilo pa din ako pagkatapos ng trahedya, medyo natatawa din ako sa nangyari “GSM Premium pala ah…Banayad, madaling inumin…potah muntik ko ng ikamatay!!!” agad akong naghugas at naghilamos para ma-refresh naman ako. Umakyat na ako upang mag-punch at dumeretso ako ng opisina…as usual super late ako!Ebsss_1