NAG-AAPOY NAGLALAGABLAB

Naranasan mo na bang makakita ng nasusunog na gusali o residente? Ako OO, kagabi lang…Alas 2 ng madaling araw ng maisipan kong manigarilyo, at sa di kalayuan ay napansin kong may nagliliyab. May nasusunog, makapal na ang usok at medyo malaki na din ang apoy, tila ilang minuto na din ang nakakalipas ng magsimula ang eksena. Di ako mapakali, hindi ko maalis ang tingin ko sa nasusunog, ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay ang mga biktima, paano na kaya sila? sana walang nasaktan, sana hindi kaagad kumalat ang apoy, sana walang mamatay kundi ang apoy na parang dila ng dimonyo na nagpapasakit sa lahat ng madilaan nito.

   Kinuha ko agad ang camera at sinubukang i-video ito, ngunit masyado siyang malayo at lumalabong lang ang kuha, kaya kinuhanan ko nalang ng litrato, at eto ang aking nakita…

Imgp0602_1   

Nagmistulang lumabas sa lupa ang apoy na nagmula sa impyerno ang eksenang ito.

Imgp0603_1

Sabi ko na sanay hindi kumalat ang apoy, ngunit hindi ganun ang nangyari, makalipas ang ilang minuto ay lumaki ito ng lumaki kasama ng ilang pagsabog, malamang mula sa LPG.

Imgp0604_1 Pagmasdan mo ang usok, isipin mo nalang kung ikaw mismo ang nasa gitna ng apoy na yang at nakulong ka at hindi ka na makalabas.

Imgp0606_2

isang mahal na araw na hindi malilimutan ng mga biktima, matanda at bata.malapit ng sumikat ang araw pero hindi pa din tapos ang sunog. mga alas-5 na ng umaga ito.

Imgp0608_1

ilang bumbero na ang dumating ngunit malaki pa din ang apoy at makapal pa din ang usok.

Imgp0607_1

muntikan ng abutin ang gusaling ito ng apoy, buti na lamang at naagapan nila.Ngunit ganun pa may marami pa din ang nasalanta ng sunog.

Ano kaya ang sanhi ng sunog na ito? Nasan na kaya ang mga pamilya ng nabiktima, saan na sila kaya titira? hindi mo alam baka isa sa kanila ay kamag-anak mo, kaibigan o kakilala at dahil itoy sa Pilipinas, malamang madami din ang nanakawan ng mga tarantadong oportunista.Wala pa akong detalye sa pangyayaring ito, Hindi ko pa napapanood ang balita tungkol dito. Ngunit sana ay hindi na maulit ang ganitong klaseng pangyayari nang sa gayon ay wala ng mabiktima pa at mahirapan.

Fire Departments 
Makati City 818-5150 (hotline 844-8663)
Mandaluyong City552-2189
Muntilupa City 842-2201
Pasig City 641-1939 (hotline 641-2815)
San Juan 79-20-79

24-Hour Hotline Telephone Numbers in Manila

Police & Fire: 757 or 116
Emergence No.: 501- 650 or 501- 728
Directory Assistance: 114
National Operator: 109
International Operator: 108
Direct Dialing Assistance: 112

NOTE: It is advisable to always have the telephone number and the address of your embassy or consulate with you.

Important Phone Numbers in Manila

Police Departments 
Makati 899-9039/899-9008
Mandaluyong City 532-2145/532-2318
Muntilupa City 842-2611
Pasig City 641-0436
Quezon City 921-4554/921-7474
San Juan 702-515/790-404

Deptartment of Tourism

T.M. Kalaw Street, Rizal Park, Metro Manila, P.O. Box 3451
Tel: (02) 5267652, 5267653, 5267655

Philippine Convention and Visitors Corporatiom

4th Floor, Suites 10-17, Legasi Towers, 300 Roxas Boulevard, Metro Manila, P.O. Box EA-459
Tel: (02) 5256635, 5257268, 5257312

Department of Tourism

Ninoy Aquino International Airport
Tel: (02) 5510698

US Embassy
Main Switchboard 523-1001
American Services Branch loc:2246, 2530, 2567
Regional Services Branch loc: 2290
Community Liason Office loc: 2845
Security Recording 521-9261 to 62

Makati City Hall
895-4001 to 10

Makati SWAT Bomb Disposal Team
168 896-7468 168 896-7468

Makati Anti-Car Napping Team
895-4001 loc:568 895-4001 loc:568

Association of Philippine Volunteer Fire Brigades
244-4141, 244-5151 244-4141, 244-5151

Association of Volunteer Fire Chiefs and Fire Fighters of the Philippines 
160-16 160-16

2 Responses to “NAG-AAPOY NAGLALAGABLAB”

  1. Richard Says:

    pwede ka nang reporter pre!!!!

  2. Carlo Yeshua Says:

    Saan ‘yang sunog na ‘yan, mygad! Naalala ko tuloy ang nasunog na house ni Mareng Chin-Chin!

    Aba aba aba, at hindi ka lang photographer, news reporter ka pa at Fire Safety advocate! Magaling, magaling hahahhaa!

Leave a Reply