Archive for April, 2007
Ano kaya kung…
Thursday, April 12th, 2007Sobrang aga ko kanina sa trabaho at dahil nakakain na din ako sa bahay ng sinangag at itlog at tocino with matching suka ay inaliw ko nalang ang sarili ko… umakyat ako sa 7th floor (last floor) ng bldg. ngunit wala naman makita dun… kaya bumaba nalang ako pero bago ako bumaba ay kumuha muna ako ng isang ala-ala…
saang floor po kayo??? floor wax???
Pagkatapos kong gumanap na lift operator ay tumamabay na muna ako sa harap ng canteen at nagyosi and kafeee… may 30mins pang natitira at hindi malaman ng kasama ko kung kanino niya naiwan yung susi ng opisina namin kaya naman hindi kami kaagad nakapasok, ang tanging pinasok ko na muna ay ang kubeta dahil ihing-ihi na ako pagkatapos uminom ng kafeee… at eto naman ang kuha ko sa kubeta ng canteen
eh kung salampak ko ang pagmumukha mo dito putangina ka!!!
OK at pagkatapos nun ay nagpunta na ako sa opis para magsimulang gumawa ng kaunting kabuhayan… yung susi nahanap na ng kasama ko, tinabi lang pala ng isa naming ka-opisina!
NAG-AAPOY NAGLALAGABLAB
Saturday, April 7th, 2007Naranasan mo na bang makakita ng nasusunog na gusali o residente? Ako OO, kagabi lang…Alas 2 ng madaling araw ng maisipan kong manigarilyo, at sa di kalayuan ay napansin kong may nagliliyab. May nasusunog, makapal na ang usok at medyo malaki na din ang apoy, tila ilang minuto na din ang nakakalipas ng magsimula ang eksena. Di ako mapakali, hindi ko maalis ang tingin ko sa nasusunog, ang nasa isip ko sa mga oras na iyon ay ang mga biktima, paano na kaya sila? sana walang nasaktan, sana hindi kaagad kumalat ang apoy, sana walang mamatay kundi ang apoy na parang dila ng dimonyo na nagpapasakit sa lahat ng madilaan nito.
Kinuha ko agad ang camera at sinubukang i-video ito, ngunit masyado siyang malayo at lumalabong lang ang kuha, kaya kinuhanan ko nalang ng litrato, at eto ang aking nakita…
Nagmistulang lumabas sa lupa ang apoy na nagmula sa impyerno ang eksenang ito.
Sabi ko na sanay hindi kumalat ang apoy, ngunit hindi ganun ang nangyari, makalipas ang ilang minuto ay lumaki ito ng lumaki kasama ng ilang pagsabog, malamang mula sa LPG.
Pagmasdan mo ang usok, isipin mo nalang kung ikaw mismo ang nasa gitna ng apoy na yang at nakulong ka at hindi ka na makalabas.
isang mahal na araw na hindi malilimutan ng mga biktima, matanda at bata.malapit ng sumikat ang araw pero hindi pa din tapos ang sunog. mga alas-5 na ng umaga ito.
ilang bumbero na ang dumating ngunit malaki pa din ang apoy at makapal pa din ang usok.
muntikan ng abutin ang gusaling ito ng apoy, buti na lamang at naagapan nila.Ngunit ganun pa may marami pa din ang nasalanta ng sunog.
Ano kaya ang sanhi ng sunog na ito? Nasan na kaya ang mga pamilya ng nabiktima, saan na sila kaya titira? hindi mo alam baka isa sa kanila ay kamag-anak mo, kaibigan o kakilala at dahil itoy sa Pilipinas, malamang madami din ang nanakawan ng mga tarantadong oportunista.Wala pa akong detalye sa pangyayaring ito, Hindi ko pa napapanood ang balita tungkol dito. Ngunit sana ay hindi na maulit ang ganitong klaseng pangyayari nang sa gayon ay wala ng mabiktima pa at mahirapan.
Fire Departments
Makati City 818-5150 (hotline 844-8663)
Mandaluyong City552-2189
Muntilupa City 842-2201
Pasig City 641-1939 (hotline 641-2815)
San Juan 79-20-79
24-Hour Hotline Telephone Numbers in Manila
Police & Fire: 757 or 116
Emergence No.: 501- 650 or 501- 728
Directory Assistance: 114
National Operator: 109
International Operator: 108
Direct Dialing Assistance: 112
NOTE: It is advisable to always have the telephone number and the address of your embassy or consulate with you.
Important Phone Numbers in Manila
Police Departments
Makati 899-9039/899-9008
Mandaluyong City 532-2145/532-2318
Muntilupa City 842-2611
Pasig City 641-0436
Quezon City 921-4554/921-7474
San Juan 702-515/790-404
Deptartment of Tourism
T.M. Kalaw Street, Rizal Park, Metro Manila, P.O. Box 3451
Tel: (02) 5267652, 5267653, 5267655
Philippine Convention and Visitors Corporatiom
4th Floor, Suites 10-17, Legasi Towers, 300 Roxas Boulevard, Metro Manila, P.O. Box EA-459
Tel: (02) 5256635, 5257268, 5257312
Department of Tourism
Ninoy Aquino International Airport
Tel: (02) 5510698
US Embassy
Main Switchboard 523-1001
American Services Branch loc:2246, 2530, 2567
Regional Services Branch loc: 2290
Community Liason Office loc: 2845
Security Recording 521-9261 to 62
Makati City Hall
895-4001 to 10
Makati SWAT Bomb Disposal Team
168 896-7468 168 896-7468
Makati Anti-Car Napping Team
895-4001 loc:568 895-4001 loc:568
Association of Philippine Volunteer Fire Brigades
244-4141, 244-5151 244-4141, 244-5151
Association of Volunteer Fire Chiefs and Fire Fighters of the Philippines
160-16 160-16




