Archive for February, 2007

Super Eklats

Sunday, February 25th, 2007

Sabi ni Lois Lane sa Superman Returns ” He is Superman, every body loves him” siguro kasi dahil siya ay isang tagapagligtas, may tanyag na kapangyarihan at nakakalipad at ang ulitimate…POGI siya! pero paano nalang kung pangit si Superman? magugustuhan pa kaya siya ng mga kababaihan kahit na may kapangyarihan siya??? hmmmm! Iisa isahin ko ang mga superheroes na maaring magustuhan at hindi magustuhan ng mga babae dahil sa kanilang itsura at kapangyarihan…

Wolverine - marami sa atin, siya ang paborito sa grupong x-men, sino nga bang hindi manghuhumaling sa walang-hiyang ito na gumagaling kaagad ang mga sugat at may adamantium claws…pero mabalbon niyang katawan at mahabang patilya ang siguradong matitipuhan ng mga babae sa kanya…wag lang siyang tatabi kay Beast at siguradong talbog siya sa balahibo nitong animal na to’! at isa pa, si Wolverine ay isang bansot, i think more or less than 5′3” lang siya…eh yung pang pitong claw kaya niya?

Spider-Man- saputan ka tsaka ka halikan ng pabalentong at tirahin sa kung saan saang sulok ng siyudad hindi ka mababaliw? enjoy dabah? ask Mary Jane!

Colossus- Bakal ang buong katawan nito…ibig sabihin…Matigas…kaso wag mong hayaang mag-init at baka mapaso ka ng parang na-plantsa!

Human Torch- nah…Ok lang siya kapag walang apoy…masusunog ka noh! nubah!

The Thing- Halos kapantay ni Colossus, pero ang maganda sa kanya hindi nag-iinit na parang plantsa, yun nga lang amoy lupa!

Dare Devil- kung pangit ka keri lang, nakakakita lang naman siya kapag may tunog eh! iwasan mo nalang na may tunog.

Capt. America- hmmmmmmmm…pogi lang…walang dating kahit dalhin pa niya palagi ang kanyang shield.

Punisher- kung type mo ay S&M sa kanya ka lumapit! pangalan palang eh siguradong mae-elya ka! Apelyido ni Punisher ay Rano.

Cyclops- … … … optic blast! ok ayos na…

Beast- ayan ang katapat ni Wolverine! kaso hindi naghi-heal at malaki ang pangil, ingat sa kissing!

Gambit- ubos pera mo ‘day!

Iron Man- hirap to, palaging nakasuot ng armor, mamatay siya kapag hindi niya suot yun…ikaw bahala, desisyon mo yan!

GhostRider- eerrrmmm….buto buto na nga nag-aapoy pa! letch! Mag-trisikel driver nalang siya pwede pa!

Aquaman- kung type mo ang beach, sa kanya ka makipag-date! but take note, malansa ang lalaking itey!

Namor- parang si Aquaman lang din.

Iceman- kung wala kang ref sa bahay at di mo type ang mainit, siya ang pakasalan mo!

Haaaaayyyy SKUL!

Tuesday, February 13th, 2007

   High School…Isa sa pinakamagandang yugto ng buhay natin, ika nga ni Ate Shawee ay…

High school life, oh my high school life
ev’ry memory kay ganda
high school days, oh my high school days
are exciting kay saya
there are times may problema ka
kung ang homework left undone
pray ka lang, wag tawagin ka
upang di pagtawanan.

High school love, my one high school love
not infatuation or crush
tunay ‘to, siya ang buhay ko
di n’yo lang alam ako’y nagba-blush
bakit nga ba ang first love ko
ay di serious, so it seems?
kung alam lang ng first love ko
he is always in my dreams.

[refrain]
Ang saya ng high school sev’ral years in my high school
di na mapapantayan
t’yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
alaala kailan man.

High school life, oh my high school life
ev’ry memory kay ganda
high school days, oh my high school days
are exciting kay saya
there are times may problema ka
kung ang homework left undone
pray ka lang, wag tawagin ka
upang di pagtawanan.

[coda]
High school life, ba’t ang high school life
ay walang kasing saya
bakit kung graduation na’y
luluha kang talaga?

[coda]
High school life, ba’t ang high school life
ay walang kasing saya
bakit kung graduation na’y
luluha kang talaga?

[refrain]
Ang saya ng high school sev’ral years in my high school
di na mapapantayan
t’yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
alaala kailan man.

High school life, oh my high school life
ev’ry memory kay ganda
high school days, oh my high school days
are exciting kay saya
there are times may problema ka
kung ang homework left undone
pray ka lang, wag tawagin ka
upang di pagtawanan.

[coda]
High school life, ba’t ang high school life
ay walang kasing saya
bakit kung graduation na’y
luluha kang talaga?

Op op opppsss…tama na, na-carried away ka na sa kanta…kinanta mo noh? aminin… Oh well, share ko nalang ang High School life ko. Dito nagsimulang mamulat ang aking mata mula ng tumuntong ako ng High School, Umpisahan natin sa barkada, First Year HS ako noon ng matutunan kong makipagbarkada…madaming klase ng estudyante noon, may mabait, mayabang, sinungaling, magnanakaw, bully, duwag, nerd, seryoso, maganda, gwapo, pangit, payat, mataba, mahaba ang buhok, maitim, maputi basta iba iba…alam niyo na ang ibig kong sabihin…Hanggang sa dumami na ang barkada ko, nadagdagan pa ng nadagdagan, hanggang sa nagkaroon na kami ng grupo, hindi fraternity ah, basta grupo lang kami, halos sampo kami noon…Natapos ang 1st year at dumating na ang 2nd year at akala ko wala na ang grupo namin, pero buo pa din kami, although may ilang nawala, yung iba lumipat na ng bahay, mayroon naman nagpunta na ng esteyt, yung iba lumipat na ng skul..may umalis at mayroon naman nadagdag hanggang sa inabot namin ang 4th year.

    Noong High School nandyan ang mga kupal na titser na kung ano ano ang tinitinda, may tocino, may project kuno, kulang nalang magtinda ng shabu…may titser pa nga kami noon na mataba na parang bullfrog, terror ito, napagalitan ako ng putanginang to ng isang beses, pinatayo ako sa sulok ng klasrum at pinakain ako ng papel, pero di ko naman nilunok syempre, nagdadaldalan yata kami nun kaya siya nagalit, tangina niya, pasalamat siya hindi ako nagsumbong sa tatay ko noon… di nagtagal ang titser bullfrog namin at umalis din siya, baka bumalik sa kanal at kumain ng lamok… May titser din akong adik noon, kasama niyang mag-doobie yung iba namin skul-mate at klasmate at nakipagsuntukan pa ang ulol na yun sa isa kong barkada, ang huli kong narinig eh nakasuhan yata yun ng pangmomolestya ng babae eh, estudyante yata nya..yun ang tsismaks…May titser din kami, actually principal pa yata namin yun na nagnakaw sa skul…napatalsik sya at ngayon yata nagtitinda sa talipapa…May mga titser din naman kaming super bait, at peborit namin, minsan pa nga dinadalaw namin sa bahay nila at nagchichikahan kami, may titser din kaming peborit na namatay, as in nalungkot talaga kami noong namatay siya pramis! may titser din kaming bakla, may tibo, may titser kaming tinutulugan namin sa klase, may titser kaming nambabato ng libro, tumatalsik ang pustiso, mayabang at kung ano ano pa!

   Noong High School din ako nakaranas ng masayang field trip, ang hindi ko makalimutan na eksena ay noong nagpunta kami ng Wax Museum sa may Shang ri la at ang gaga naming asawa ng may-ari ng school ay kumuha ng picture sa loob, kundi ba naman tanga sabi ng bawal ang magkodakan sa loob eh ginawa pa din ni mokong, ayun at napahiya siya sa lahat at umalis nalang..buti nga sa iyo bwisit ka! Mayroon din kaming educational trip kuno, na wala naman kaming natutunan dahil iilan lang ang napuntahan namin at ang huling ginawa namin ay nagswimming…educational ba ang swimming? sige na nga!

    Noong High School din akong unang nanligaw…di ko nga alam kung talagang panliligaw yun eh, ah basta crush na crush ko siya noon at inamin ko na may crush ako sa kanya, palagi pa nga niyang binibigay ang baon niyang pagkain sa akin noon eh tapos kinakain namin ng mga barkada ko na para kaming mga asong kalye na gutom na gutom…ang kung tatanungin mo kung nagkatuluyan ba kami? mamaya ko sasagutin.

     Noong High School din ako nagsimulang matutunan ang paninigarilyo, uminom ng alak, mag-cutting class, manood ng porno sa bahay ng kaklase, magpaabot ng madaling araw, makipag-street dancing, maging Hip-Hop, maging Punkista, maging Rakista…at kung ano ano pa…nakakamiss ang High School life…dami kasing nangyaring kabulastugan at madami ka ding lessons na matututunan na talagang dadalhin mo hanggang sa tumanda ka.

Okay one more time, now with some dancing….

Ang saya ng high school sev’ral years in my high school
di na mapapantayan
t’yak ganyan ang buhay na sadyang makulay
alaala kailan maaaannn….

P.S.

Hindi kami nagkatuluyan ng crush ko.

KWENTONG KONSERT!

Friday, February 9th, 2007

   Madami sa ating mga pinoy ang mahilig sa panonood ng concerts, lalo na kung ang peformer/s ay foreigner gaya ni Michael Jackson na talagang libo libo ang nanood noong nag-concert siya sa may pasay, ultimo mga artista natin ay nakipagsiksikan makita lamang si MJ at ayun, naglip-synch nga ang negrong maputi na mahilig sa bata…ewan ko kung anong hilig nya sa bata..well, kahit naman maglip-synch sya eh talaga namang matindi ang perfomance ni MJ…ika nga nya sa concert nya ”I LAV YAH MANELA” parang Liza Manela nyeknyeknyeknyeek!

   Hindi ako ganun kahilig sa concerts, kadalasan kasi ang mahal mahal ng ticket, pero noong bata pa ako, isinama ako ng nanay ko sa concert ni Nora ”Ate Guy” Aunor (shit bat ka kasi nag-adik tsk tsk tsk) at alam niyo kung anong ginawa ko? natulog ako sa loob ng araneta, nyeta ano bang paki ko kay Ate Guy noong mga panahon na yun noh! i was like 8 yrs old lang yata noon tas naalimpungatan ako dahil kumanta si Ate Guy ng ”Tatanda at lilipas din ako, ngunit mayroon awitin iiwanan sa inyo….”aaaahhh pakingsyet!!!  Nagsiiyak ang mga Noranians,including my mom and my grandma na over fanatic kay Ate Guy! Haaayy nakuh! Ako naman ”ano kayang iniyak nila?” ang weird para sa akin noong mga panahon na yun dahil malay ko ba na may impact pala sa mga Noranians yun… Pero ngayon ayan ”tatanda at makukulong ako….” kakatawang nakakaawa…Oh well! Im not a Noranian neither a Vilmanian…

Noong High School naman ako nahilig ako sa banda, as in mga local bands and some foreign bands at first time kong nakapanood ng band concert ay yung sa…drum rolling … pisinngg!   ULTRA!  hanep ng concert kasi ang daming banda, kasikatan pa nun ng Grin Dept. na ngayon ay medyo baduy na para sa akin, di ko pa knows ang Wolfgang noon at Razorback siguro kasi medyo stick lang ako sa level ng E’heads noon at Rivermaya…So ayun na nga at nagpunta kami kasama ng 2 kong kababata…putangina talagang ang daming tao, mura lang kasi ticket eh 150 lang yata, tas mayroon pa dun na mga punkista na nagpupumilit makapasok at talagang tumatalon mula sa upperdeck papunta sa ground para makipagbalyahan at headbangan dun,may isa pa nga dun naisprayan ng teargas sa mismong mukha niya, ayun sumigaw nalang na kasi sa mata siya tinamaan at nagtatakbo amputah sa sakit…OK naman kaming nakauwi noong gabing iyon.

Sunod naman sinamahan ko yung barkada ko sa Rivermaya concert sa pasig dun sa may stadium nila dun, nakakuha kasi ng free tickets yung barkada ko eh, sayang naman daw kung hindi namin magagamit,so kahit hindi namin kabisado ang pasig, nagtuloy kami dun at halos maligaw ligaw kami… So ayun, gaya ng ibang concerts, daming tao, may makukulit may sumisigaw at meron namang walang paki na naisama lang. Pero ako nagenjoy ako, kasi first time kong makita si Bamboo ng live! (kay Rico wala akong paki…) magaling lang talaga siyang magsulat..PERIOD!

Napanood ko na din noon ang BOyz2Men…nakakahiya dahil sira pa yung isang mic ng member nila. Si Mariah napanood ko din at may ipis pang lumipad sa tabi niya at talagang nandiri ang potang si Mariah…sabi pa niya ”there is a kind of bug here that scares me…” Arte mo! letch! alam ko mas malalaki ang ipis sa amerika…sa atin cute! And finaly yung Superfriends nina Janno,Allan K. at Gladys ”CHUCHAY” Gueverra .. OK naman, kwela, nakakatawa sina Janno at Gladys..si Allan OK din kaso may ginawa siyang number dun na medyo gasgas na sa daigdig ng kabaklaan…which is yung mag-mujer! kakasawa na for me…

Bakit kaya sa mga concerts eh mayroon yung part na patapos na yung kanta tas bibitinin pa tas yung mga nanonood ay maghihiyawan tas tsaka itutuloy at tatapusin parang eto http://www.youtube.com/watch?v=C9YSg9Uu8ik …tas meron pa yung magpapaalam na kunwari at aalis sa stage, tas ang mga manonood naman ay maghihiyawan ng MORE MORE MORE…tas babalik yung performer with a different costume o lalabas sa makapal na usok at biglang ang mga tao ay maghihiwayan ulit sa tuwa…di nalang tapusin kung gusto nilang tapusin tangna!

HELLO KITTY! GOODBYE KITTY!

Monday, February 5th, 2007

Cat1_1

Nakasakay ako sa dyip noong isang araw at habang sinasamantala ko ang masarap na simoy ng hanging na humahaplos sa akin mukha ay biglang bumagal ang takbo ng dyip.Trapik ang ilang bahagi ng kalsada ngunit umaandar pa din naman kami. Dahil sa aking pagkakainip, tumingin tingin nalang ako sa aking paligid…At sa aking gulat ay may nakita akong patay na pusang itim…luray luray ang katawan at nagkalat ang bituka, luwa din ang mata at sabog ang bungo at ang kanyang dugo at utak ay tila parang pinturang ikinulay na sa mainit na aspalto ng kalsada.Ubod ng baho ang amoy ng patay na pusa, di ko maitiis na hindi magtakip dahil nanunuot ito sa aking ilong papunta sa aking sentido…nakakadiri ang eksena, nakakawalang gana, nakakasuka…ngunit sa isang banda, bigla akong naawa sa pusang nasagasaan… naawa ako sa sinapit niya… naisip ko, paano lang kung isa pala siyang Nanay na pusa at inaantay na siya ng kanyang mga kuting na gutom na gutom sa ilalim ng kisame oh di kaya sa may basurahan…Paano na lamang kung isa pala siyang pusang alaga ng isang bata at mahal na mahal siya nito…Paano nalang kung ang pusang yun ay ikakasal na pala…Paano nalang kung ang pusa na yun ay mahusay pala sa iskwela at malapit ng magtapos sa kolehiyo at may matatanggap pang parangal…paano nalang kung ang pusang iyon ay may ka-date pala na kanina pa sa kanya nag-aantay…Paano nalang kung ang pusa na yun ay ang hindi namakapag-antay na maka-uwi dahil gusto niyang ibalita sa kanyang mga magulang na natanggap na siya sa kanyang pinapangarap na trabaho at yun ang mag-aangat sa kanilang buhay…Paano…Paano…Naawa ako…bakit may mga taong hinahayaan ang ganito, sana manlang ay magingat sila sa kanilang pagmamaneho…sana makunsensya sila sa kanilang ginagawa at nagawa…kawawa ang biktima hindi lamang sa mga pusa kundi pati na rin sa mga palaka, aso, sisiw, manok, kalapati, daga at mga insekto na naulila dahil sa ganitong pangyayari at hindi man lamang nila mabigyan ng katarungan ang namatay nilang kamag-anak, kaibigan, asawa o anak…

….Sino ngayon ang mas HAYOP sa kanila?

MAM! MAY I GO OUT?

Sunday, February 4th, 2007

Poopcyc

Yan’ ang palaging sambit natin kapag nasa iskul at bigla tayong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Hindi lang basta tawag ng kalikasan ang ibig kong sabihin kundi yung malupit na tawag, yung tipong lalabas na, bumubukol na, at konting ma-iri ka lang ay PATAY KANG BATA KA!!! KAHIHIYAN ANG AABUTIN MO!!!

Marami sa atin ang nakaranas na ng ganitong klaseng kahihiyan, lalo na noong bata pa tayo. Mayroon dyan ay natae sa salawal habang naglalaro ng kung ano. Mayroon naman natae sa dyip o bus, o di kaya naman ay natae habang nagsisimba. Mayroon ding natae habang papaunta na sa kubeta at hindi na umabot at ang tanging ginawa nalang niya ay tinapon niya ang kanyang panloob sa basurahan at hinugasan ang kanyang pwet na nanlilimahid sa tae.

1987

Grade 2 ako noon,nag-aaral ako sa pampublikong paaralan ng makakita ako ng ganitong klaseng eksena. Hindi ko pa alam kung ano at paano mapahiya ng sobra noon sa harapan ng maraming tao, kumbaga, wala lang kung sakaling may mangyari sa aking nakakahiya… Ngunit ang hindi ko makalimutang pangalan at hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din ang karumaldumal na pangyayari na talagang napahiya sa harapan ng marami ay si Kristina… Nasa loob kami ng klase noon, uso pa noon ang table na mahaba at may katabi ka sa upuan, uso pa din noon ang nutri-bun na ngayon ay di ko na alam kung mayroon pa sa public schools. Kasalukuyang nagtuturo ang titser namin noon sa di ko na maalalang subject ng biglang may nagsalita na lamang na ” Mam! si Kristina po natae!” … kaya pala may bigla nalang umalingasaw na mabaho at nakakasukang amoy sa loob ng silid namin ng mga oras na yun. Si Christopher ang higit na biktima ng amoy, siya kasi ang katabi ni Kristina, kaya ang estudyanteng sumigaw ay walang iba kundi si Christopher. Natigil ang klase namin dahil nangailangan ng matindi at masinop na saklolo si Kristina mula sa kanyang di napigilang pagtae sa kanyang panty at bumakat na sa pink niyang palda na pamasok. Di napigilan ng iba na matawa at mandiri sa nangyari, aaminin ko, nandiri ako sa amoy ng mga oras na yun at talagang nabigla… Dali daling dinala si Kristina sa kubeta habang siya ay umiiyak sa kahihiyang sinapit niya na hindi naman niya kagustuhang mangyari sa mga oras na yun.Pagkalipas ng ilang sandali pa ay bumalik na si Kristina sa loob ng klase namin, pero hindi na siya pinaupo dahil ang tanging suot na lamang niya ay ang kanyang pantaas at dyaryo na ngmistulang kanyang palda. Iniabot nalang kay Kristina ang kanyang bag at itoy umuwing luhaan. Kung bakit ngayon ay naaalala ko pa ang pangyayaring iyon ay dahil naisip ko na paano nalang kung sa akin nangyari yun? paano nalang ang gagawin ko? hindi ko yata kayang umuwi ng dyaryo lang ang suot na pambaba… Napahiya ng sobra si Kristina at malamang dadalhin niya ang karanasan na iyon hanggang sa kanyang paglaki. Naawa ako kay Kristina, sana hindi na nangyari iyon, ganun pa man, mga bata pa lang din naman kami noon.. sana na lang ako nalang at si Kristina ang nakakaalala ng eksenang yun… Kristina kung nasan ka man… Kakampi mo ako, Kaibigan, hinding hindi kita ipapahiya…

Tangina kasi kung nagsabi ka sana ng ”Mam may i go out” hindi na sana nangyari yun!!!