Archive for January, 2007

ESTRANGHERO

Tuesday, January 30th, 2007

   Anong gagawin mo kung isang araw may pupuntahan kang lugar at may biglang estrangherong tumawag sa iyo sa telepono at sinabihan kang wag kang pupunta sa lugar na yun dahil mapapahamak ka? o di kaya kakain ka na sana sa isang handaan at sinabihan ka na wag kang kakain ng ganito ngayon dahil mapapahamak ka? o di kaya lalabas kayo ng pamilya mo at mamamasyal at sinabihan ka na wag mong papalabasin ang pamilya mo dahil madidisgrasya sila? maniniwala ka ba? o hindi mo papansinin at itutuloy mo lang ang balak mo? … sabihin na nating tinuloy mo pa rin ang gusto mo at nangyari nga ang eksaktong sinabi sa iyo ng estrangherong tumawag sa iyo sa telepono…anong gagawin mo?

A Day with a Korean

Saturday, January 27th, 2007

Kung sa huling kong blog ay nabasa niyo ang tungkol sa Hapon..pwes eto na ang karugtong ng istorya ko.

Sisimulan ko muna mula sa pagtawag ko sa opisina nila, may nakasagot sa akin, pero hindi yung Hapon, Pinoy ang sumagot at binanggit ko nga sa kanya ang tungkol sa interbyu ko.

AKO: Ahmm, I just like to ask about my schedule for interview???

LALAKI: Ahh…wala kasi yung koreano dito eh, tawag ka nalang ulit mamaya…

AKO: OK, Salamat tatawag nalang ulit ko.

So nalaman ko na hindi pala Hapon, kundi isang Koreano ang kumausap sa akin noong isang araw. Kinabukasan na ulit ako tumawag, kasi hindi ko pa din feel naman magpunta noong huwebes na yun.kaya nung byernezz, tumawag ulit ako at nakausap ko na yung koreano

AKO: Ahhhmm…Yes Sir, i just like to ask about my schedule for interview???

KOREANO: Ahhhmmm…may i know your name?

so sinabi ko ang pangalan ko…

KOREANO: AHHH! OKE, OKE, can you go heere tode?

AKO: Yes Sir, i could be there after lunch,would that be OK Sir?

KOREANO: Ahmm…yes you just come heere at 2pm or 3pm, and bring yor pofoyo (PORTFOLIO pala) and some of your drawings and sketches oke?

AKO: Sure Sir, I will be there at that time.

KOREANO: Oke Bay!

AKO: THANKS SIR!

bago ako nagpunta dun sa bldg. nila which is sa TEKTITE, nagpunta na muna ako sa may frisco para balikan ang SSS ID ko na naiwan ko sa guard (Tangina kasi, kung bakit ko pa naiwan,gastos at pagod pa tuloy) pagkatapos nun, dumiretso na ako sa TEKTITE. Nalula ako sa dami ng tao doon, ang tagal na kasi mula noong una akong nagpunta doon eh, 2001 pa yata yun. Nagyosi nalang muna ako saglit sa baba dahil sobrang aga ko pa noon, pagkatapos ay pumasok na ako, pakiramdam ko isa akong dayuhan o mangmang sa loob ng gusali dahil ni hindi ko alam kung ano bang elevator ang dapat kong sakyan..iba iba kasi ang nakasulat, punyeta! So ang magaling kong utak ay nagtanong sa information counter…

AKO: Bossing magpupunta po ako sa 3102C???

IC: Iwan mo ID mo…

AKO: Saan po ba yun?

IC: sa 31 floor

AKO: aahhh, sige po salamat po! (tanginang tong matanda na to ang sungit amputah!)

so iniwan ko yung ID ko, at sabi ko sa sarili ko na dapat hindi ko na makalimutan kunin ang ID ko bago ako umuwi. Sumakay ako ng elevator, daming tao, halos puno kami sa loob.nakakabingi kasi ang taas nga ng bldg. pakiramdam ko may bumabara sa tenga ko, alam mo yun? yung parang may bulak ka sa tenga??? Pagtungtong ng 31st floor hinanap ko kaagad ang kwarto, nakita ko naman kaagad at ayun, nandun si Koreano!!! YEYYY!!! pero bago kami tuluyang nagusap, nakigamit muna ako ng palikuran…pagbalik ko ay pinaupo muna ako sa isang kwarto na may magandang view…as in kita ko ang antipolo at laguna de bay! Pagkatapos ng mga 10 minutong paghihintay, ay lumapit na sa akin ang koreano at ininterbyu ako…

KOREANO: Can i see your pofoyo?

so binigay ko at kanyang sinuri….

KOREANO: Hmmm…OKE…OKE…OKE…do you have your sketches with you? or samples of your drawings?

AKO: (patay wala akong dala) I’m sorry sir but i have no samples of my sketches with me right now.

KOREANO: OKE OKE, wait a minute…

pagbalik niya ay pinaguhit niya ako sa isang pirasong papel, at as in papel lang ang binigay…wala man lang panulat na lapis, so ginamit ko nalang ang aking ballpen. Nagsimula akong gumuhit ng kung ano ano..mga imbento nalang, pero pinag-igihan ko at baka sakaling pumasa…nang matapos ko ang guhit ko,ipinasa ko na ito sa koreano at sabi niya sa akin na babalitaan nalang daw niya ako kung ako ay pumasa…

At doon nagtapos ang aking araw…Malapit na ang lunes, sino kaya sa 2 inaplayan ko ang tatawag sa akin…hmmmm…malalaman natin yan sa pagbabalik ng THE BLOGGGGZZZZ!!!!!

ANAK NG HAPON!!!!

Monday, January 22nd, 2007

Wala ako sa mood magsulat ngayon, Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko, parang nakikita ko yung sarili ko sa tabi ko, parang dalawa kami sa isang kwarto, parang multo, parang gago.

Biglang bumalik ako sa katinuan ng may tumawag sa akin, isang hapon, hindi ko maintindihan kung ano bang gusto niyang sabihin, hanggang sa nalaman ko nalang na isa pala yun sa mga inaplayan ko… tinatanong niya ako kung kailan ako pwedeng mainterview, sabi ko hectic ang sched ko, may shooting pa ako ng bago kong film bukas at mag-ge-guesting pa ako sa SIS tomorrow…Pero syempre dabah hindi yun ang sinabi ko. ewan ko ba hindi ko siya ma-gets, tinatanong ako kung kailan ko daw gustong mainterview, eh may naka-sched ako bukas na interview…teka ganito nalang ang gagawin kong format..

AKO: Hello Sir, i got a call from this number?

HAPON: Yes,…. … … …uhum.. … ..

AKO: Sir saan po ito?

HAPON: Uhhmm… … … yes, this is from IYAGI …

AKO: Yes Sir?

HAPON: blablublable…????

AKO: HUH????!!!

HAPON: What "HUH" ?

AKO: Whats the question again sir? (tanginang to ah, manloloko yata)

HAPON: we’d like to know whe can you come heee foooh an intehhhview?

AKO: Aaaahhh! maybe on Thursday or Friday Sir.Are you Japanese or Chinese Sir?

HAPON: Its doesnt Mattah..OK!

AKO: Ahmm…Sir may i know where are u located?

HAPON: OK BYE!

AKO: PUKINGINAMO!!!!

binabaan ba naman ako bigla…so i checked on the net kung saan yun at nalaman ko sa may tektite bldg. pala…hmmmm… parang di ko feel, parang aalilain lang ako dun, pero bahala na, check ko nalang siguro on friday. Kailangan ko munang makagawa ng pera. wala na akong pera pang-apply anak ng tinapa…hmmmm.. namimiss ko na ang tinapa…leche!!!!

GUMUHIT

Monday, January 22nd, 2007

Noong bata pa ako, hilig ko na talagang gumuhit, gumuguhit ako kung saan saan, kung saan ko gusto, sa papel, sa karton, sa kahoy, sa bato, sa sahig, sa pader, minsan pa nga gumugupit ako ng mga larawan sa magazine at dyaryo at idinidikit ko ito kung saan madali ko siyang makikita, hinahayaan lang ako ng magulang ko basta’t hindi ito nakakasagabal at nakakadumi ng bahay. Paborito kong iguhit noon ay si Garfield, Ninja turtles at kung ano ano pang cartoons, di ko pa hilig noon ang mga Marvel at DC characters, mas gusto ko yung mga cute na characters. Sabi nga ng iba, pinanganak daw ako na may lapis sa kamay. Naalala ko pa, nilagay ko sa isang folder lahat lahat ng drawing ko noong bata pa ako, pero ngayon hindi ko na alam kung saan napunta yun, kung nasa sa akin pa yun hanggang ngayon, malamang matutuwa ako habang pinagmamasdan ko kung paano ako gumuhit noon at makikita ko ang pagkakaiba.

karambola ang isipan

Saturday, January 20th, 2007

There will come a time that you will see yourself in a very difficult situation, in a state where you will become what you hate most.”

Ano nga ba ang nauna Itlog o manok??? isang katanungan na mahirap sagutin at ipaliwanag. Pero kung ako ang tatanungin mo, sa tingin ko nauna ang itlog, bakit kamo? kasi nauna si Adan.

wala akong masabi kaya eto nalang muna….

MAARTE SIYA!!!!

Thursday, January 18th, 2007

           Isang araw na naman ang lumipas,wala pa ding balita sa mga inaplayan ko, ang dami ko ng inaplayan over the net pero isa palang sa kanila ang nagreply, ayun nga may interview ako noong wednesday dyan sa may kamias, isang hostel, tanginang yan, ang tagal ng byahe ko, ang aga aga kong gumising at nagsuot na naman ako ng maluwag na polo, at slacks na ubod ng luwang sa binti, nangangati ako kapag ganun ang suot ko, di ko feel, di kaya ng powers ko, tapos pagdating ko dun sa aaplayan ko, binigyan ako ng form na parang bio-data, nainisip ko, tangina eto na naman, e diba may resume’ na akong binigay sa kanila??? 3 na ang form ko sa kanila ng personal info ko, hindi ako mag-aabroad or gumawa ng krimen mga puta sila, pero ganun pa man, wala akong magawa kundi sagutin ang mga tanong, madali lang naman sagutin eh,palagi ko nga lang nakakalimutan yung mga edad ng mga utol ko. ayun, pagtapos kong ibigay sa kanila yung form na halos tumagal ng 10mins, tinawag na ako para interbyuhin, tiningnan ng bababeng ubod ng arte ang resume ko at nagtanong kung marunong daw ba akong gumawa ng brochure, sabi ko ”OO naman gago ka ba? ” sa isip ko…so sabi ko YES, Y-E- and a fucking S!!! tumagal lang siguro ang interview ng less than 15mins, di ko nga masabi kung interview na yun eh, feeling ko kinuha lang nila ang personal info ko, tas sabi sa akin ng maarteng babae, sige balik ka bukas ng mga 11am para interviewhin ka ng GM namin, OK sabi ko…

   Kinabukasan, bago ako bumalik sa kanila ay tumawag muna ako para i-confirm kung tuloy ba ang interview chuvanezz…sagot ba naman sa akin, ” Pano mo nalaman number dito?” sabi ko ” tanga ka ba? ” sa isip ko…pero ang talagang sinagot ko ” sa brochure niyo” …ang bobo amputah, puro kasi kaartehan ang alam eh, talagang nasurpresa pa sya ah! natural interisado ako sa kanila at dapat malaman ko kung saan ako pwedeng kumontak, at isa pa nasa website nila yun…OK so eto na, sabi sa akin ng maarteng gurlalu na hindi pa din daw nagrereply yung GM nila…PUKI NIYA AMOY MURIATIC ACID!!!! nasan ba GM nila at hindi makapag-reply, halos buong magdamag hindi nagreply sa kanya??? Gagah amputah,sinong gogoyoin niya??? HALLER??? …. hindi na ako umasa pang tatawag sila sa akin, at parang nawalan na din ako ng gana sa kanila… kaya ako eto, luhaan pa din, basang basa sa ulan sa paghahanap ng trabaho, tangina, sa tingin ko ang buhay talaga swertihan lang eh, kahit anong gawin mo, kung hindi talaga para sa iyo, wala eh, kahit ano pa, hindi mo masisisi kung ARTS talaga ang gusto kong gawin, siguro kulang lang ako sa diskarte, yun lang siguro ang kulang, nakakawalang gana na minsan..nakaka-depress, pero iniisip ko nalang na swerte pa din ako dahil nakakakain ako ng higit na 3 beses sa isang araw, nakakapagsuot ng maayos na damit, may tahanan, may pamilya, kumpleto at malusog ang katawan, at higit sa lahat may cellphone load… mabait pa din ang mundo sa akin…di ko naman sinasabing salbahe siya sa iba… sana magkaroon at dumating na sa akin ang ”Balang-araw” na matagal ko ng hinihintay.

Nakakainis feeling Euro siya, ginagaya ang Coldplay, maangas ang dating (in a bad way) pangit kumanta at ang boses pilit inaabot ang tono, at ewan ko ba kung bakit pa sila nag-eexist…mas maganda pa din yung dati nilang band, noong naguumpisa palang sila, noong miyembro pa nila si B. nakakainis siya, pero in-fairness mahusay siyang magsulat, pero mas gusto ko pa din si E.B. (sana magaling na siya after admitting in a hospital) …

May i present to you…Pan Oxyl

Thursday, January 18th, 2007

 

Good Morning Philippines! Good Morning People! Good Morning Internet Addicts, Friendster Fanatics, Porn Site lovers, etc… I just woke up an hour ago, i already had my typical nice cup of coffee, i made some stretching, did number 2, made the bed and now i am here in front of the PC writing a blog …hmmmm…wait, i just wondered, what is a blog anyway? is it a journal? or is it your friend that you can say all the things that happened to your everyday life? and unfortunately Blog cannot reply to you but it can deliver comments from other people around the globe…anyway, as i was saying…I just woke up an hour ago, and i still have this irritating feeling on my face, its not itchy, it sores, some pimples are ready to be popped away again, its like i have a fruit plantation, harvesting every morning, they’re ripe and ready to be picked.. AAAAHHHH!!!! when will these pimples gonna leave me!!!!

       In the past few days (almost a month), I consistently using some facial cleansers, moisturizer, few of tea-tree oil and Pan-Oxyl (which is very very effective on my skin) and it made me surprised, becoz i noticed that the acne’s on my face had decreased into almost 85%… so it is proven that Pan Oxyl is really effective (depending on skin type’s im sure) so for those who has problem with acne, use Pan Oxyl, try using the 2% first, and if it still does’nt work, try the other percentage, there is 5% and 10% on your nearest drug store’s worldwide!

Pan_oxyl

Mag-Advertise daw ba???

idzbinawayl!

Sunday, January 14th, 2007

     Tagal ko ng di nakakasulat sa blog, di ko na nga maalala yung huling isinulat ko dito eh, pero dahil naalala ko siya susulat ulit ako. Bago ang lahat, naalala niyo pa ba yung blog ko about sa GBA? ayun nakabili na ako sa wakas, enjoy naman, di ko lang kayang maglaro habang nasa biyahe, akala ko ganun lang kadali, nakakasuka pala, kaya naglalaro nalang ako kapag walang magawa at kapag may hinihintay kung saan..ayun lang.

   Ang bilis ng panahon, parang kamakailan lang naganap ang pasko ng 2006, lahat ng tao natataranta kung anong bibilhin nila, panregalo, gamit sa bahay, damit (usong-uso) , sapatos…etc. Bakit nga kaya kapag Pasko karamihan bago ang suot ng mga tao lalo na ang mga kabataan, pinansin namin yan ng utol ko eh, pagsakay namin ng dyip eh titingnan namin ang mga pasahero, tas kapag may nakita kaming may suot na bago, sasabihin namin "NAKS NAKA-BAGO" hehehehehe! ganun din ako nung bata ako eh, bibili ako ng nanay ko ng bagong damit, hilig ko pa noon si Garfield, fotah mula sa T-Shirt hanggang sa sapatos Garfield yan, ano bang meron kay Garfield at nakuha niya ang attention ko? kung isa ka sa biktima ng alindog ni Garfield at alam mo kung bakit mo siya gusto, wag kang mag-atubiling sumulat sa akin ;-)

     Nagwakas na ang 2006, anong napala mo? ako madami, madaming masasaya at meron din naman nagbigay luha sa aking mga mata.Parang roller-coaster nakakalula kung minsan at talagang masha-shock ka…Aaaay!!! magiisang taon na din pala yung pag-amin ni Rustom…ooopsss ayokong magsimula ng showbiz sa aking blogs, A-YO-KO! hindi ito para sa showbizzz… Ano naman kaya ang mangyayari sa taon 2007??? puro kababuyan kaya ituh? oh mataba ang dating sa atin? malaman, masagana…High Blood? hmmmm… hindi na ako gumawa ng resolution, kasi alam kong hindi ko din naman masusunod, basta kung feel ko nalang tsaka ko gagawin. hindi naman sa wala akong isang salita, ayoko lang.

Hanggang dito nalang muna at wala na akong maisip na isulat…try ko nalang ulit next time…I just can’t wait to see all the great movies this 2007  Ghost Rider, Spider-man 3, Fantastic Four 2, Transformers, Ninja Turtles…syeeeeeettt!!!!