Archive for January, 2006

EVERY PEKLAT HAS ITS STORY

Saturday, January 14th, 2006

        Naniniwala ako na lahat ng tao may peklat, Iba’t ibang klaseng peklat. May peklat na maliit, may peklat na malaki, may peklat na kulay pula, may maitim, may puti, may nakaumbok at ang karaniwang peklat, ang makintab na peklat. At naniniwala ako na ang bawat peklat sa ating katawan ay may nakalaan na istorya. Peklat na magpapaalala sa atin ng nakaraan, Peklat na makakapagpaalala sa atin na minsan naging tanga din tayo. Peklat na makakapagpaalala sa atin ng matinding aksidente at peklat na makakapagpaalala sa atin ng isang pangyayari na ayaw na nating maalala.

      Bata palang ako may peklat na ako sa ulo ko, Grade school ako noon, naalala ko pa kung bakit ko nakuha ang peklat sa ulo ko. May alaga kasi kaming aso na si Daisy, ordinaryong aso lang si Daisy, medyo malaki, pero askal lang, matatalim ang kanyang mga kuko, malalaki ang pangil at nakatali siya sa kanyang kulungan na yari lamang sa mga lumang kahoy at gamit na yero. Isang araw habang naglalaro ako sa bakuran namin, naisipan kong sundutin ng isang hibla ng walis ting-ting ang butas ng tumbong ni Daisy, hindi ko naalala na wala pala siya sa pagkakatali niya noon at hindi ko din napansin na bumubungisngis na pala siya, senyalis na galit na siya. Patuloy pa din ako sa pagsundot ng kanyang pwet, gamit ang hibla ng walis ting-ting ng bigla na lamang niya akong sinunggaban, bumaliktad ako sa aking pagkakatayo…Yun na lang ang huli kong naalala dahil nawalan daw ako ng malay. Nalaman ko nalang na may sugat pala ang ulo ko at ang kwento sa akin ay patuloy daw ang pag-agos ng dugo nito pero napatigil din. Sa awa ng diyos naka-survive naman ako at hindi na kinailangan na dalhin pa ako sa ospital. Mula noon takot na akong lumapit kay Daisy, hindi ko na siya bati, wala siyang pagmamahal na natanggap mula sa akin. Namatay si Daisy mga ilang taon ang lumipas, paniwala namin nilason siya ng isang tarantadong kapit-bahay namin, kasi bumubula nalang ang bibig ni Daisy pagkamatay niya. Ang moral lesson sa story kong ito ay wag mong sundutin ang pwet ng may pwet gamit ang kung ano-anong bagay. At dun ko din natutunan na kapag ang isang aso pala ay bumubungisngis na, ibig sabihin pala nun ay galit na siya at malapit ng manakmal.

PEKLAT: ULO

PINANGGALINGAN: KALMOT NG ASO

       May isa pa akong peklat, dahil pa din sa aso, Grade school student pa lang din ako, Grade 6. Sa pagkakataon na ito ay harap harapan naman akong nasakmal sa tenga, muntik ng maputol ang bahagya ng tenga ko noon. Naghaharutan kasi kami ng aso kong si Fudge sa loob ng bahay namin, habang ang buong pamilya ay busy sa panonood ng telebisyon. Si Fudge ang tipo ng aso na mabilis mainis, konting madiinan mo lang ang kanyang katawan ay kakagatin ka na niya, pero marahan na kagat lang, yung may alalay na kagat, hindi masyadong madiin. Pero noong gabing iyon iba ang natanggap kong kagat mula sa kanya, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya basta bigla na lamang niya akong nilapa. Akala ko noon ay nakaiwas ako sa matinding sakmal niya sa akin. Patuloy pa din ako sa paglalaro ko sa kanya kahit nagulat na ako sa biglaan niyang sakmal. Ilang segundo palang ang nakakalipas ay naramdaman ko na masakit ang tenga ko, hinawakan ko ang aking tenga at nasalat ko na parang basa ito at lalo pang sumasakit, pagtingin ko sa aking mga daliri, puno na ito ng dugo, natakot ako sa aking nakita kaya sinabi ko kaagad sa nanay ko na nakagat ang tenga ko. Dali dali akong bumaba papunta sa kubeta para hugasan ko ito, pero gaya ng natamo kong sugat sa ulo ko, wala din tigil ang pag-agos ng dugo nito, natakot ako kasi baka hindi na tumigil ang pag-agos ng dugo. Sa awa ulit ng panginoong may kapal, tumigil naman ito. Nilagyan nalang namin ng band-aide ang tenga ko pagkatapos linisin ng alcohol at betadine. Nag-keloids na ang sugat, isa na lamang siyang alalaa ng aking aso, isa sa paborito ko pa namang aso si Fudge, kahit na sinakmal niya ako, mahal na mahal ko pa din siya. Ilang taon din kasi kaming nagkasama ni Fudge, binili ko siya sa halagang 100 sa aking kaklase, at hanggang lumipat kami ng bahay kasama ko pa din siya. Kaya talagang iniyakan ko ang pagkawala ni Fudge,"WAAAAAAAHHHH FUDGE KO, FUDGE KO BAKIT MO AKO INIWAN???" yan nalang ang nasabi ko noong namatay siya. Ginupit ko pa nga ang dulo ng kanyang balahibo sa buntot bilang alalaa, pero ngayon hindi ko na alam kung saan ko nailagay yun.

PEKLAT: KANAN NA TENGA

PINANGGALINGAN: SAKMAL NG ASO

   

      Madami pa akong peklat, yung iba dahil sa bubog, sa semplang sa bike at sa kung saan saan pang aksidente. Ikaw i-share mo ang peklat story mo? parang isang larawan din yan na makakapagpaalala sa iyo ng isang pangyayari.

DAGLIANG PAGPAPAALAM

Tuesday, January 10th, 2006

              Pang sampung araw na ng bagong taon. May napapansin ka bang pagbabago? ako wala pa, siguro mga ilang buwan ko pa mapapansin. Madalas pa din akong puyat, naninigarilyo pa rin ako, hindi pa din bagsak ang buhok ko, wala pa din akong stable job, mahilig pa din ako sa laruan, makapal pa din balbas ko at higit sa lahat ay hindi pa din ako nilalayasan ng mga punyetang tigyawat!!!

        Ubos na ang pera ko, wala na yung mga naipon ko noong pasko, di ko alam kung saan napunta yung iba.Teka teka…naisulat ko na yata ito sa isa kong blogs eh paulit ulit lang ako eh. Maiba naman… One year na rin palang nakakalipas ang trahedyang gumulat sa buong mundo ANG TSUNAMI na kung saan ay napakaraming namatay at naulila. Kumusta na kaya sila? nasaan na kaya ang mga kaluluwa ng mga namatay? Natanggap na kaya ng mga namatayan ang pagkawala nila? Paano kaya nila sinelebrate ang Christmas at New year? sana masaya na silang lahat, yun lang ang panalangin ko.

          Halos isang taon na din nakakalipas ang pagkamatay ng isa kong kaibigan. Naalala ko siya noong pasko, Naalala ko siya sa di mapaliwanag na dahilan, siguro dahil magkakasama kami ng pamilya ko, samantalang ang pamilya niya ay kulang na. Unang pasko nilang iseselabrate na wala ang aking kaibigan, sana masaya sila. Madalas ko siyang naalala tuwing nasa mall ako, madalas kasi kaming magkasalubong dun at magchikahan ng kung anik anik. Mabait siya, minsan isip bata pero carry lang, bata pa naman talaga siya eh at isa yun sa pinanghihinayangan ko, nawala siya ng napaka-aga. Madami pa sana siyang pwedeng gawin, madami pa sana siyang pwedeng pasayahin…pero siguro hanggang dun nalang talaga ang chapter ng buhay niya dito sa mundo.

          Isa sa matalik ko din kaibigan noong college ang iniwan na ako. Namaalam siya noong 31st ng Disyembre. Hindi ako makapaniwala na wala na siya, pero sa tagal tagal ay natanggap ko na din. Parang Big Brother ko siya noong college ako, madalas kong kakwentuhan ng kung ano ano, lalo na pagdating sa pelikula. Madalas din kaming magbiruan, kumain ng sabay, lumabas sa school ng sabay… Noong nakapagtapos ako ng college isa siya sa mga una kong dinadalaw kapag nagpupunta ako sa skul. Pero ngayon wala na siya, iba na ang nasa desk niya kapag dumaan ako dun, di ko na makikita ang mga ngiti niya, hindi ko na maririnig ang halakhak niya tuwing magpapatawa ako…Siguro hanggang dun nalang din talaga ang oras niya dito sa mundong ito. Mamimiss ko siya, lalo na tuwing dadalaw ako sa skul.

      Kung nasan man sila ngayon, sana sumalangit ang kanilang mga kaluluwa. Ganun talaga ang buhay, may dumadating may umaalis, masakit man sa atin ngunit dapat patuloy lang tayong mga naiwan nila sa paglakbay sa daan na ating tinatahak.

Sumayad sa Isip

Thursday, January 5th, 2006

Kawawa siguro ang mga doktor kapag wala ng taong nagkakasakit, wala na kasi silang gagamutin. Kung ako sa kanila, i-boboycot ko ang mga nagtitinda ng gamot sa botica para maraming magkakasakit at kapag nangyari yun, marami silang gagamutin, may trabaho pa rin sila.

ako’y nauuhaw

Thursday, January 5th, 2006

       Isang gabi na naman na hindi ako makatulog, pakiramdam ko pinamumugaran na naman ng mga insekto ang isip ko, Mga insektong puro tanong, mga insektong madaming pangarap, mga insektong madamdamin, mga insektong masaya, mga insektong galit at mga insektong sadyang di lang mapakali at walang dahilan.

      Kanina nakakita na naman ako ng lalaking naglalaro ng Gameboy sa loob ng mall, haaaaayyyy! napahinga nalang ako ng malalim, dapat may Gameboy na din ako ngayon. Naubos ang pera ko sa pambili ng mga regalo. Masaya naman eh, kahit na hindi ko nabili ang pinakagusto kong mabili noong christmas. Di bale madami pa naman araw. Siguro kapag may maganda na akong trabaho bibili nun. Hindi naman kaagad agad mawawala yun eh. Pero may isa akong alam na madalas ay bigla nalang nawawala. Yun ay ang Pag-ibig. kapag nawala, di mo alam kung paano mo ulit makikita, di mo alam kung paano mo ulit papalitawin at di mo alam  kung paano mo pa ba maibabalik. Posible naman, pero kadalasan matagal ang proseso. Puwede mo itong ihambing sa proseso ng paghahanap ng trabaho… Madaming kailangan mga papeles, may interview, may exam  aaaaahhh leche!!! Naiinis ako tuwing naalala ko ang mga sakit na natanggap ko noong nakaraang taon, anak ng puta hanggang ngayon dumudugo pa din, di pa rin gumagaling, sugatan pa din ang puso ko. Saan ko ba mahahanap ang gamot na magpapagaling sa sugat na to, kanino ko ba malalaman ang reseta? SAAN? SAAN? SAAN? Diyos ko, pinapaubaya ko na sa inyo ang lahat, gabayan niyo nalang ako sa bawat araw na aking tatahakin. Alam ko naman na alam niyo kung anong gusto ko at kung ano ang makakabuti sa akin…ayan nagiging relihiyoso na nanaman ako. Hanggang kailan ba ako magkakaganito…puro ganito nalang ba ang isusulat ko sa blogs ko? mga hinanakit? NAKAKASAWA NA!!!!! NAKAKAIRITA NA!!!!!! PUTANGINAAAA!!!!!!!

       Tubig…kailangan ko ng tubig… ako’y nauuhaw…kailangan mahimasmasan ako…

Wednesday, January 4th, 2006

Dear diary
What is wrong with me
Cos I’m fine between the lines

       Ako nga ba ang may mali? ako nga ba ang dapat may baguhin sa sarili ko? ako nga ba dapat ang umintindi nalang palagi sa sitwasyon? o dapat bang manatili nalang ako kung ano ako at lalo ko nalang pagbutihin ang mga susunod ko pang gagawin sa buhay ko? Bakit ganun, kung sino pa ang gusto mong mahalin, siya pa ang palaging nasa malayo, palaging lumalayo, palaging nawawala, palaging nangiiwan.

Be not afraid
Help is on its way
A sentence suspended in air
Way over there

           Ang pinakakinakatakutan ko lang ng matindi ay ang ang mabuhay ng walang nagmamahal sa akin, isang taong kasama mo hanggang sa huli, isang taong makakaintidi sa lahat ng bagay na gagawin at ginagawa mo kahit ano pa ito, isang taong ipapakita sa iyo kung mali ka ba o tama, isang taong hindi ka iiwanan kahit ano man ang mangyari. Nandyan siya kapag may masaya ka, nandyan kapag malungkot ka, nandyan kapag may sakit ka, nandyan kahit na nasaktan mo siya at kaya kang patawarin. PERO HINDI !!! wala akong makitang ganun…kung meron man, sana dumating ka o baka nandyan lang siya at hindi ko napapansin? hindi ko alam. magulo talaga ang isipan ko sa ngayon.

Dear diary
What else could it be
As nightshade descends like a veil

      Ano pa nga bang meron? sana kakaiba naman ang haharapin ko sa bagong umaga. Sana may mas maganda ng mangyari sa buhay ko. At kung mayroon man magandang mangyari sa akin, sana mayroong akong makakasama sa mga tuwa ko, sa aking mga tagumpay, sa aking paghalakhak at sa aking pagluha.

Under the sail of my heart
Be still
Don’t stop until the end

   Hindi ako dapat magpatalo sa kalungkutan, dapat bumangon ako na nakataas pa rin ang noo. Dapat hindi ako tumigil, alam ko may misyon pa akong dapat gawin hangga’t akoy humihinga. Hindi pa huli ang lahat …hindi pa … hindi pa.

Dear diary
What is wrong with me?
Cos I’m fine between the lines
Be still, my heart
Don’t start until…

      

         

      
I am crying while im writing right now and this time i know the reason… it’s because of deep sadness.

"am i not supposed to have what i want? am i not supposed to have what i need? what should i do?"

MANIGONG BAGONG TAON

Monday, January 2nd, 2006

Nagpaalam na ang taong dalawang libo at lima sa ating lahat, at nagiwan ito sa atin ng iba’t ibang ala-ala, masasaya at malulungkot, depende kung ano ang gusto nating alalahanin at gusto na nating kalimutan sa nagdaang taon. Sa akin, marami ding masasayang ala-alang iniwan ang 2005, pero sa tingin ko mas marami ang hindi malilimutang pait na iniwan niya sa akin, lalo na ang mga heartaches. Ayoko mang alalahanin pa ang mga ito, pero hindi ko naman magawa, siguro hindi lang talaga ganun kabilis malimutan kapag nasaktan ka ng malalim hanggang buto. Hindi ko na rin kailangan isa isahin pa ang mga ito.

    Ano naman kaya ang masasalubong ko ngayon 2006? may maganda na kaya akong trabaho na makukuha? May mga bagong kaibigan kaya ulit akong makikilala? Makakapag-abroad kaya ako? Magkakaroon na ba ako ng sariling bahay at lupa? Magkakaroon kaya ako ng sariling sasakyan? Makakabili na kaya ako ng Gameboy Advance SP? (OO,Masakit sa akin na hindi ako nakabili,punyeta!!!) May bagong pag-ibig kayang darating? (sana siya nalang ulit) ang sagot ay hindi ko pa alam, malalaman ko lang ang sagot sa aking mga tanong kapag natapos na ang 2006. Sa ngayon, hahawak nalang ako ng mahigpit kung ano ang naiwan sa akin, gagamitin ko nalang sa magandang paraan kung ano ang mayroon ako, dahil dun ko lang makakamit ang mga bagay na hinihiling ko. Naniniwala ako na kung ano ka ngayon ay bunga ng lahat ng pinagdaanan mo mula noong isinilang ka. Hindi mo masisisi kung may mga taong masama, yun ay dahil kung ano ang nakagisnan nila, sana lang ay may oras pa silang magbago o baguhin ang kanilang sarili. Sa mga taong mababait naman, posible pa rin silang magbago, depende nalang yun sa kagustuhan nila. Ako, kung gusto ko man magbago, gusto ko sana ay mas lalo kong mapasaya ang tao sa paligid ko, lalo na ang mga taong mahal ko, gusto ko sana na lalo pa silang maging proud sa akin (kung proud nga ba sila). Para sa akin, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, maging mabait lang ako, kahit na mawalan ako ng pera, kahit na hindi ako makapanood ng sine, kahit na hindi na ako makatikim ng french fries sa McDo, kahit na galisin pa ang alaga kong aso, kahit magsimatayan pa ang mga isda namin, kahit na iwanan ako ng mga kaibigan, kahit na mawalan ako ng taong pinakamamahal ko, kahit na walang magmahal sa akin pabalik, kahit na itakwil ako ng mga kamag-anak ko at kahit na mag-isa nalang ako…dapat maging mabait pa din ako…naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay may kahulugan, kailangan lang natin tumingin sa matitingkad na kulay, para sa ganun ay hindi tayo mapunta sa landas na hindi tama.

Para sa lahat, HAPPY NEW YEAR SA INYO! Naway makita ninyo ang inyong hinahanap at ninanais sa inyong buhay!!!