Archive for December, 2005

HANGGANG DITO NALANG

Saturday, December 10th, 2005

    Marahil wala na ako habang binabasa mo itong sulat kong to, nahihirapan na ako ng sobra, habol hininga na ako, pagod na pagod, di makatulog, gutom sa pag-ibig, ayoko na, sawa na ako, hindi ko na kayang ituloy pa ito, hanggang dito nalang ang makakaya kong gawin, salamat nalang sa lahat ng masasayang oras na pinagsamahan natin, pasensya ka na kung nauna na ako sa inyo, palagi ko kayong iisipin, sana ganun din kayo… kasi time na ako dito sa pinagrerentahan ko ng internet at kailangan ko ng mag-log out.

…Kaya nagbate nalang ako!

Thursday, December 8th, 2005

          Sa wakas,naayos ko din ang modem namin..ilang araw na kasi siyang hindi gumagana,palaging nalang lumalabas ay NO DIAL TONE buti nalang naisip kong linisin ang loob ng CPU namin. Sobrang dami na pala ng alikabok,lalo na sa area ng modem at parang may nangupahang gagamba sa loob ng CPU, daming sapot. Masaya ako kahapon kasi nakabili na ako ng bago kong headphone,yipeee! yung malaki at mas maganda na ang tunog,nakakabingi at bumabayo ang bass, mas ok siyang pakinggan, kaya lang bulky masyado hirap ilagay sa bag. Umaga na naman nga ako nakatulog kahapon eh, bali kanina yun ng madaling araw, 3am na.Nagpunta kasi ako sa gateway,manonood sana kami ng THE FOG,yyiiiiyyy nakakatakot daw yun eh,kaso nauwi ang lahat sa wala,  sa 5 inimbitahan ko 5 din ang hindi pwede, ang ganda diba? wala talaga akong charm pag-dating sa pagiimbita, yung mga original ko naman na kasama  ay talagang hindi pwepwede kasi puyat pa sila at kailangan nilang matulog.So ayun nga, 2 lang kaming nagkita dun sa gateway ng isa ko pang kaibigan, na-late na kami sa show time kaya di nalang kami nanood. nagkwentuhan nalang kami hanggang sa wala na kaming mapagkwentuhan..mgabandang 830 pm na ng naghiwalay kami at nagpunta naman ako dun sa kaibigan kong nagmamanage ng acoustic band.Ayos naman yung banda na hinahawakan niya,3pcs,lahat magaling, nakakainggit nga eh,dapat ngayon tumutugtog din ako sana sa mga bar o kaya sa…san pa ba? kahit sa kalye lang basta makatugtog.Pagkatapos ng show, nagkape nalang muna kami at nagkwentuhan kasama ng iba pa niyang barkada.Kaya ayun inumaga na ako ng uwi, ok lang mas mabilis naman ang byahe kapag alanganin oras na eh,yun nga lang nakakatakot kasi mas madaming masasamang loob kapag ganung oras na…
       May napanaginipan ako kagabi, pinipilit niya ako, pero ayaw ko, sabi ko kasi may magagalit, gusto pa rin niya, ayoko pa rin, ayokong makasira at ayokong gawin yun dahil nirerespeto ko ang samahan namin, pinipilit pa rin niya ako, kami lang naman daw dalawa ang makakaalam…ayoko pa rin. Masaya ako at nakasama ko ulit siya,kahit sa panaginip lang…Ngayon mag-isa lang ako sa bahay,inaantay ang kapatid ko,nanakit ang tyan sa kabusugan.wala kasi akong maisip na lutin kanina,gusto ko instant,kasi gutom na gutom na ako kanina,kaya nagbate nalang ako ng itlog at tinorta ko ang sardinas,miss na miss ko na rin kasing kumain nun eh,natutunan ko siya sa kaklase ko noong high school.Tapos nagluto na din ako ng pansit canton,instant pa din syempre, tapos nilantakan ko kaagad pagkaluto.Sana matunawan ako kaagad,sana bukas mailabas ko ito,kundi baka kung saan pa ako datnan.Wag naman sana.
      

Mga bagay na ngayon ko lang naisip

Monday, December 5th, 2005

Nakakatawang isipin na noong bata pa ako, wala akong kamalay malay na sobrang brutal pala ang mga laro noon, mang mang pa kasi at wala pang pakialam sa mundo kundi mag-aral,maglaro, matulog at kumain. Una na dyan sa mga larong tinutukoy ko ay ang Langit Lupa… naaalala niyo pa ba yung jingle? sabay sabay tayo ah? langit lupa impyerno,im,im,impyerno… at kung kanino tumigil ang turo sya ang taya. Bata pa lang pinapakilala na sa atin ang impyerno. pwede naman dagat diba? … langit lupa at dagat da, da, da, dagat! atleast hindi pangit sa tenga ng mga bata. Isa pa dyan ay ang Saksak puso tulo ang dugo, patay, buhay siya ang alis…Grabe diba? napansin niyo ba yun noong bata pa kayo? di natin namalayan na bayolente pala ang mga binibigkas natin, tungkol sa pagpatay at wag ka, direkta pa sa puso ang pagsaksak. Yung isang laro naman na naaalala ko ay yung tunkol naman sa pagaasal hari o reyna ng isang tao ganito yun Nanay,  Tatay gusto kong tinapay, Ate,Kuya gusto kong kape, LAHAT NG GUSTO KO AY SUSUNDIN NIYO ang sinong matalo sa larong ito ay pipingutin ko… Paglaruan daw ba ang nakakatanda at utusan! Tama ba yun? tapos may pingot pang kasama kapag hindi ka umayos.  Totoo naman diba? Bata pa lang tayo, iba na ang nilalaro natin.Pero maswerte ako at inabot ko ang panahon ng paglalaro sa kalsada, nandyan ang  walang kamatayang Taguan pung, Block 1-2-3 , Tanching ng tansan, kaha ng yosi, goma, at teks! Patintero, Tumbang preso, Chato, Follow the leader, Chinese Garter, Sipa, Pwera patus atbp.. alam mo  I suggest na isama nila sa Olympics ang mga kakaibang larong ito. Di gaya ng mga laro ngayon ng mga bata, indoor games, iwas sa aksidente pero karamihan ay mas brutal mas bayolente at karumaldumal.

Sa kakaisip sa iyo, tigyawat dumadamiiiiii….

Monday, December 5th, 2005

               Isang buwan na rin ang nakakalipas mula ng aking kaarawan, hanggang ngayon ay may mga naiwan pa din sugat na hindi pa gumagaling sa aking damdamin at kahit nahilom na ang sugat, mag-iiwan pa din ito ng bakas ng nakaraan na palaging magpapaalala sa akin na ang pag-ibig ay makapangyarihan.Cantsleep02

   Ang drama ko nyeta! OK naman ang araw ko ngayon, medyo bored lang kanina kasi wala si bestfriend sa ofish! wala masyadong kakulitan at hindi maganda ang buhok ko, tapos may namumuong tigyawat pa sa bandang pacific ohseeean! ano ba, lubayan nyo na nga ako mga tigyawat! kailan nyo ba ako pagsasawaan? ha? Pero ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit nagkakatigyawat ang isang tao? Sabi ng mga masyosyonda, kapag Inlababo ka daw, tutubuan ka ng tigyawat sa ilong o kaya sa pisngi, siguro kasi, madalas kang mapuyat kakaisip sa crush mo, at ang hindi mo naman alam, may kasama siyang ibang gurlalu at naglasingan sila sa isang jologs na bar at nagmot-mot pagkatapos! sana lang wag mong mahuli, kundi cry cry ka na naman im syur! Mabalik tayo sa tigyawat, hindi naman siguro totoo yun sabi ng masyosyonda noh, kasi sabi sa akin ng isang especialista, karaniwang nakukuha daw ang tigyawat sa pagkain ng malansa, gaya ng prito, lalo na ang pritong itlog at ginisang mani! hmmmmm…saan ba siya espesyalista? aber baka sa paa?well, malay mo totoo nga ang sinasabi niya! Pero para sa iba naman derma, madalas daw nakukuha ito sa dumi sa paligid.gaya ng usok, alikabok at kung saan saan pa.Haaay nakuh,hindi ko na alam kung saan ba nakukuha ang tigyawat.Ah, basta ako tiwala ako sa PanOxy , subok na matibay, subok na matatag! 

meykinlabawtanatingatol

Sunday, December 4th, 2005

          Narasan mo na ba ang dejavu? ano nga kaya ang dejavu? totoo nga kayang nabuhay tayo noong unang panahon pa at ang kaluluwa ay palipat lipat lang sa ibang katawan?…matagal tagal na din akong di nakakaramdam ng dejavu,nakakatawa kapag nararanasan ko ito,kasi hindi ko mapaliwanag ang nangyayari.Ano kaya ako noon?

     Ang saya saya ko kagabi kasi dalawa ang booking ko ng face Painting at kumita ako ng doble ng kinikita ko sa isang araw,sa wakas nadagdagan ang pera kong iniipon pambili ng GAMEBOY ADVANCE SP…Pauwi na ako sa tita ko kagabi kasama ang katrabaho ko ng maramdam ko na nandun ang crush ko sa gateway,nakatambay with his lover…OO,diba sinabi ko na nga na may lover na yung crush ko? ano ba? kulet mo!!! iniwei,ayun tama nga ang sinasabi sa kin ng force, minsan naiisip ko may lahing Jedi talaga ako eh.Nagkita kami at inaya nila akong gumimik sa marikina.sabi ko sige itetext ko nalang kayo mamaya kung makakasama ako,kasi ichecheck ko pa ang sched ko for tomorrow.Agad agad akong bumalik sa tita ko para makakuha na kaagad ng sahod at malaman na ang sched ko para bukas.Dahil sa akin kabaitan at kagandahan (kapal) biniyayaan ako ng panginoon ng magandang sched para bukas. Dalian akong nagbihis kaagad ng aking bagong T-shirt na nabili ko sa Sale ng isang magandang tindahan sa SM kulay yellow,peborit color ko mula pa ng bata ako.Di ko alam kung anong meron sa yellow at bakit ko naging paborito yun…Paalam kay tita,bili ng alaxan,vit. C at yosi ,sakay ng bus,baba ng cubao ,punta sa tagpuan at ayun nagkita na ulit kami ng mga kaibiganzz ko! Nagpunta kami sa isang comedy karaoke bar sa may marikina,madalas tambayan ng barkada ko (crush ko) doon. Inom kami ng colt,kahit wala pa akong matinong tulog ay sumama pa din ako sa kanila,haaaay pasaway talaga ako,kung nabubuhay lang si itay,malamang labi ko lang ang walang latay.Mabilis akong tinamaan sa ininom ko,siguro dahil sa wala pa nga akong matinong pahinga.Napakanta kaagad ako sa entablado,kumanta ako ng SHE’S OUT OF MY LIFE at yung isa na nagkamali pa ako ng sabi ng title,KUNG MAWAWALA KA,dapat pala HUWAG KA LANG MAWAWALA ayun napasubo tuloy ako…kinanta ko nalang kaysa mapahiya ako,pero ganun pa man,kahiya-hiya pa din talaga ako. INOM INOM INOM!!! nakakarami na ako,hilo,umiikot na ang paligid,maingay,mausok,kwentuhan,sindi ng yosi,laklak,subo ng konting pulutan,maglaro ng lighter at manood sa mga taong sumasayaw sa tunog ng disco (take note cute ang DEEJAY)  ng biglang nakaramdam ako ng pagkaduwal,nagpunta kaagad ako ng kubeta,ang sama kubeta,hehehe ok ibahin natin , nagpunta kaagad ako ng komport Room para magtawag ng uwak…walang uwak na lumapit kundi napuno ko lang ng suka ang inidoro.haayy hilamos ako,then balik sa table,sabi ko sa sarili ko AWAT NA TANGINA MO!!! ..kape tayo? aya ko sa mga friendships ko,punta kami ng very reliable Burger Machine..dun kami kumain,ay sila lang pala ang kumain,ako nagkape lang talaga at yosi.pagkatapos nun,umuwi na ako,hindi sa bahay namin,hindi din sa bahay ng tita ko,kundi sa bahay ng aking kaibigan,sakay na ako ng jeep at habang umaandar papalayo, nakatanaw nalang sa crush ko na akbay ng jowa nya…oh hindi ako inggit……OO NA NGA SIGE NA! well dadating nga din ang akin someday diba? konting tiis lang wag mainip. Ayun dahil sa takot sa holdup,sumakay nalang ako ng taxi papunta sa kaibigan ko at dun na ako nakitulog,inabala ko na naman sila…. >>>> DUDUGTUNGAN

I WANNA HAVE YOU BY MY SIDE

Thursday, December 1st, 2005

     Grabe ang aga aga kong nagising ngayon,kanina natulog ako bandang 3am na tapos gumising ako ng 8am,kaya eto wala na naman ako sa sarili ko and i believe that this is the best time to write here.Nabuo na namin ng utol ko ang Galactus Series ng Marvel,gaya ng sabi ko Toy collector ako at ang utol ko,buti nalang may mabait siyang kaibigan at ibinigay nalang sa kanya ang ulo ni Galactus,kanina bumili na kami ng katawan at mamayang gabi pagdating niya,sabay namin itong bubuuin,na-EEXCITE AKO GRABE!!! (inom muna ng tubig) at baka bumagsak ako sa tuwa.

      Sa awa ng panginoong may kapal,wala na akong lagnat,kulang lang talaga sa tulog ang inyong lingkod,pero mamaya babawi ako pagkatapos kong kumain ng lunch,tapos paggising ko talagang papaliguan ko na ang alaga kong aso.buwan na siyang hindi naliligo,kawawa naman.Pinamumugaran na siya ng garapata at surot, hindi ko na tuloy siya makatabi sa pagtulog ko sa pinakamamahal kong sofa (salamat sa utol ko at bumili siya ng bagong sofa). Nakita ko na naman ang Gameboy Advance SP kanina sa SM,talagang gusto ko siya, hindi ako mahilig sa mga computer games or digital games kung tawagin ng iba pero pagdating sa Gameboy,iba ang naramdaman kong galak.

        Bigla akong nasenti na naman,may naalala na naman ako. Minsan iniisip ko totoo kaya yung sinasabi nilang wag mong masyadong isipin yung taong mahal mo,dahil hindi mo alam na baka siya naman ay hindi ka iniisip? hmmmm…hindi ko alam,basta ako masaya ako kapag naiisip ko siya at oo minsan nalulungkot dahil hanggang sa pag-iisip ko nalang siya nakakasama.Masaya ako kapag napapanaginipan ko siya.Naiisip niya rin kaya ako? ano kaya ang ginagawa niya ngayon? sana masaya siya sa kinalalagyan niya ngayon. Nabanggit ko na din ang pag-iisip sa mga tao, yung mga kaibigan ko kaya naiisip din ako paminsan minsan? namimiss din kaya nila ako gaya ng pagkaka-miss ko sa kanila? mahalaga ba kaya talaga ako sa kanila? oh bali wala lang kahit nandyan ako o wala ako? sana naiisip din nila ako paminsan minsan , sana namimiss din nila ako paminsan minsan, sana mahalaga din ako sa kanila.Sana makabili ako ng GAMEBOY ADVANCE SP NGAYONG DECEMBER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! TANGINA!!!!!!!!

      GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP GAMEBOY ADVANCE SP !!!!!!!!!
Gba_sp_1

IM BROKE BUT IM HAPPY…Alanis???

Thursday, December 1st, 2005

Barenakedwithalanis              Natapos na naman ang isang buwan,kay bilis talaga ng panahon,parang kamakailan lang ay kaarawan ko,nandun ako sa Batangas tapos ngayon tapos na ang Nobyembre.Ano kayang mangyayari ngayon disyembre,malamig na ang simoy ng hangin,pero hindi ko nararamdaman ang pagsapit ng pasko,wala pa nga  kaming dekorasyon sa bahay eh,bukas siguro aayusin na namin ang krismas tree,lalagyan ng mga bolang makintab,gusto ko ang motif ay kulay red.tapos unti unting mapupuno ng regalo yung ilalim ng krismas tree namin,mga regalong ibibigay namin sa mga inaanak,sa mga kamag-anak,at sana mga regalo para din sa akin,GAMEBOY GAMEBOY GAMEBOY gusto ko ng GAMEBOY ADVANCE SP punyemas!!! magiipon talaga ako para dun.tsaka na muna yung bugle na gusto ko…
        OK enough with the krimas krismas.paano nga ba maglagay ng picture dito sa blogs? hanggang ngayon di ko pa din alam…nilalagnat ako ngayon sa di ko malamang dahilan,malamang dahil sa sobrang paninigarilyo at pagpupuyat,malamang dahil sa sobrang depress.Kakaisip kung kani-kanino,kakaisip sa mga problema,kakaisip sa kanya…kay GAMEBOY ADVANCE SP na naman heheheh! noong isang araw nagpunta ako ng Los BaƱos Laguna para mag Face-Painting. Sa aming paghihintay sa terminal ng Bus,may nakita kaming mga kabataan na nagsa-sign language.sabi ng kaibigan ko,ano nga kaya kung puro sign language lang ang mga tao,siguro ang tahimik..natawa ako ng sobra,dahil naisip ko ang mga posibleng mangyari,Paano mag papangaral ang mga Pari sa simbahan? paano mag-hohost ang mga clown sa party? edi wala ng mga kanta? panay sign language nalang? parang Ballet? ang tahimik siguro ng eskwelahan? paano magsasabi ng quiapo quiapo ang mga barker ng jeep? ang daming kakaibang mangyayari talaga…pero paano nga kaya kung ganun noh?
          Kahapon pauwi na ako sa amin mula sa bahay ng tita ko,pero bago ako umuwi,dumaan muna ako ng SM para magwindow shopping.gusto ko sanang bumili ng sombrero na ang ganda ganda,may Elvis Presley na nakaprint 230 pesos siya…ok na sana kaso ng sinukat ko masyadong malaki sa akin,so umalis nalang ako dun sa tindahan,naglibot nalang ako ng naglibot,hanggang mapagod ako at nagpunta na ako sa sakayan ng FX…bumyahe na ako,malapit na ako sa bayan ng maisip kong i-check ang cellphone ko,may nagtext yung crush ko,inaaya niya akong manood ng sine kasama ang  kanyang new partner which is my close friend ( dont worry im already moving on ) panoorin daw namin  ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEROS…sabi ko na nga ba eh,tama ang desisyon kong wag na munang panoorin yun at mag-antay nalang ng kasama…anyway,bumaba ako ng sasakyan kahit malapit na ako sa amin,at sumakay na ako ulit pabalik,ang baho baho pa ng nasakyan kong FX,amoy panis na laway,kakainis nga eh.pagkalipas ng ilang minuto,nakarating ako ng Gateway,ang lugar na punong puno ng tao,ewan ko ba kung bakit…May matanda,bata,babae,lalaki,bakla,tomboy may ngipin o wala hustuhin ang bayad bago bumaba! hihihihi! nagkita na kami ng mga friendship ever ko.3 kami bali,sinubukan namin mag-aya pa ng iba kaso wala naman pwede ng mga oras na iyon, kumain na muna kami,dahil sa akin kabusugan, bumili nalang ako ng float sa wendys,ang sarap nun diba? float nga ba tawag dun? or frosty? tangna nakalimutan ko na…basta masarap siya parang ice cream at ang mga kasama ko naman ay kumain ng full meal may kasama pang salad..pagtapos namin kumain,nagyosi muna kami sa baba,tpos bumili kami ng ticket ng sine,tapos nagkape muna kami dahil masyado pang maaga…hmmm..sarap ng kape,brewed punyeta!!! 910 na.. 920 start ng movie kaya dali dali na kaming pumanhik! daming nanonood ng Maximo..grabe punong puno ang sinehan,INDI FILM siya,cheap ang pagkakagawa pero hanep naman ang storya,talagang maganda,tungkol siya sa isang batang bading na mabait maasikaso sa pamilya niya,ulila siya sa ina kaya parang siya ang tumatayong babae sa pamilya niya,bata pa siya teenager palang, typical filipino ang makikita mo,hindi ko na ikwekwento baka kasi mawalan ka ng interes panoorin…natapos ang palabas,tapos naghiwahiwalay na kami,130 na ako nakauwi sa bahay,napapansin kong masama na ang aking pakiramdam kagabi palang,pakiramdam ko lalagnatin ako,at tama nga ang aking akala,ngayon nga nilalagnat na ako. sana bukas magaling na ako dahil malapit na naman ang araw ng trabaho,at bukas ako ang sasama sa utol ko ng pagbilli  ng grocery namin,kaya mamaya matutulog ako ng maaga,syempre inom na din ng gamot.Nagugutom na ako at hindi na ako makapagisip pa ng isusulat ko.bukas nalang ulit.