Archive for November, 2005

to someone who touched my heart

Tuesday, November 29th, 2005

Goodbye my lover
(Artist: james blunt)

Did I disappoint you or let you down?
Should I be feeling guilty or let the judges frown?
‘Cause I saw the end before we’d begun,
Yes I saw you were blinded and I knew I had won.
So I took what’s mine by eternal right.
Took your soul out into the night.
It may be over but it won’t stop there,
I am here for you if you’d only care.
You touched my heart you touched my soul.
You changed my life and all my goals.
And love is blind and that I knew when,
My heart was blinded by you.
I’ve kissed your lips and held your head.
Shared your dreams and shared your bed.
I know you well, I know your smell.
I’ve been addicted to you.
Goodbye my lover.
Goodbye my friend.
You have been the one.
You have been the one for me.
I am a dreamer but when I wake,
You can’t break my spirit - it’s my dreams you take.
And as you move on, remember me,
Remember us and all we used to be
I’ve seen you cry, I’ve seen you smile.
I’ve watched you sleeping for a while.
I’d be the father of your child.
I’d spend a lifetime with you.
I know your fears and you know mine.
We’ve had our doubts but now we’re fine,
And I love you, I swear that’s true.
I cannot live without you.
Goodbye my lover.
Goodbye my friend.
You have been the one.
You have been the one for me.
And I still hold your hand in mine.
In mine when I’m asleep.
And I will bear my soul in time,
When I’m kneeling at your feet.
Goodbye my lover.
Goodbye my friend.
You have been the one.
You have been the one for me.
I’m so hollow, baby, I’m so hollow.
I’m so, I’m so, I’m so hollow.

You’re beautiful

Lyrics

(Artist: james blunt)

My life is brilliant.
My love is pure.
I saw an angel.
Of that I’m sure.
She smiled at me on the subway.
She was with another man.
But I won’t lose no sleep on that,
‘Cause I’ve got a plan.
You’re beautiful. You’re beautiful.
You’re beautiful, it’s true.
I saw your face in a crowded place,
And I don’t know what to do,
‘Cause I’ll never be with you.
Yeah, she caught my eye,
As we walked on by.
She could see from my face that I was,
Fucking high,
And I don’t think that I’ll see her again,
But we shared a moment that will last till the end.
You’re beautiful. You’re beautiful.
You’re beautiful, it’s true.
I saw your face in a crowded place,
And I don’t know what to do,
‘Cause I’ll never be with you.
You’re beautiful. You’re beautiful.
You’re beautiful, it’s true.
There must be an angel with a smile on her face,
When she thought up that I should be with you.
But it’s time to face the truth,
I will never be with you.

Maybe i

Lyrics

(Artist: five for fighting)

You were right
You came over me
What’d never been before
You slid under my door and now I find
A Reason to admit I’ve been too lazy
But in this light
In this atmosphere
I’m starting to believe
The other side of me but who’s to know
Honey… surely one of us is crazy
Maybe I… I’m not so easily stung
Maybe I… I got some love for someone
Maybe I… I’m not the story for you
Maybe I… I’ll be the do you ought to do
So now I stand
I never stood before
What’s better left unsaid is done, buried and dead and you’re alive
Girl I think you might just stay the night
Maybe I… I’m not so easily stung
Maybe I… I got some love for someone
Maybe I… I’ll write a story for you
Maybe I… I’ll be the do you ought to do
I’m not trying to take it easy
I’m not trying to help you see
I’m not trying to take us over
I’m just trying to believe
Maybe I… I’m not so easily stung
Maybe I… I got some love for someone
Maybe I… I’m just the story for you
Maybe I… I’ll be the do you ought to do
Maybe I… I’m not the one for your love
Maybe I… I’ll be your heaven above
Maybe I… I’ll write a story for two
Maybe I… I’ll be the do that you do

Pasko na sinta ko

Sunday, November 27th, 2005

Santaandelf      Matatapos na naman ang isang linggo,ano na naman kaya ang dadating sa akin…may mga bago kayang masasayang pangyayari na makakasalubong ako o puro pait pa din? well,i’ll just go with the flow,kahit na mabigat pa din ang dibdib ko..mag-aantay nalang ako kung ano pang mangyayari,i still think about him and my other problems in life.

    haaaay malapit na ang december,ilang tulog nalang at ilang gising nalang ay pasko na naman,nandyan na naman ang mga nangangarolling ang puto bumbong ang naggagandahang mga parol na nakasabit sa bintana ang malamig na simoy ng hangin, ang mga krismas tree na iba’t iba ang laki at kulay (ang cute ng puti) at may star sa tuktok,ngayon uso ng nilalagay ay anghel tapos umiilaw.Nakakatuwa din yung mga Santa clause na nagkalat sa mga Mall,may maitim, may payat,may sobrang taba, mayroon naman yung mukhang Santa talaga, kasi porenger! tapos namimigay sila ng kung ano-ano sa bata,yung iba naman naghohost ng mga show.

   Kapag sumasapit ang pasko nandyan ang matinding pasok ng pero,13 month,incentives na may dagdag at kung ano ano pa.Pero ito rin ang panahon ng madami ang gastos,isa na dyan ang pagbibigay ng mga regalo sa kung sino sino lalo na sa mga inaanak.ako baka magtago nalang,gusto ko kasing bumili ng gameboy this krismas,magiging makasarili muna ako heheheheh! nah syempre bibili ako ng regalo sa mga close ko lang na inaanak,yung malalayo baka hindi ko bigyan,kaya ngayon palang talagang mega ipon na dapat ako dahil  kung hindi,katakot takot na utang na naman ang matatamasa ko.

         Ano pa bang nakalimutan ko tuwing sasapit ang pasko…hmmm teka ano nga ba talaga ang true spirit of christmas? Ang sabi ng simbahang katoliko ang totoong spirit daw ng christmas ay ang pagsilang ng ating panginoon na si Hesus,pero bakit ganun,karamihan sa atin hindi na naalala yun,madalas nauuna pang isipin ang mga bagong damit na bibilhin sa mall o kaya kung anong ihahanda sa pagsapit ng noche buen.Pero kung ako ang tatanungin mo,ang nararamdaman ko tuwing pasko ay ang panahon ng pagbibigayan at pagpapatawad sa ating mga kaaway.Noon kasi noong bata pa ako ganun na ang kinalakihan ko eh,bigayan kami ng regalo at kung ano ano,tapos yung mga magkakagalit nagbabati sila. Siguro nga ganun yun sa isang banda.wala naman sigurong masama kung ganun ang spirit ng christmas diba?

       Ano kayang matatanggap ko sa pasko? sana may magregalo sa akin ng iPod na malaki ang capacity,o kaya sana may magregalo sa akin ng Batmobile na matagal ko ng pinagmamasdan sa mall Php 1,799.75 siya sa SM! hehehe o kaya Lightsaber,Gamboy,Scooter,Digicam,Laptop,300 pesos na load,Sunglasses,Bagong Relo,Headset,bagong bag (yung leather) , Belt, mascara,lipstick,eye shadow ay ano ba kung ano ano na tuloy ang naisusulat ko… haaayy dami kong gusto.Pero ang pinakagusto ko,sana lang,wish ko lang, haaayyy…teka naluluha ako…kaya ko to,hinga na muna ng malalim…haaayy..ok eto na, ang pinakagusto ko ay sana may kayakap ako sa darating na pasko at sabay kaming sasalubong sa pagpasok ng bagong taon…I THANK YOU!

    ADVANCE MERRY CHRISTMAS TO ALL THE PEOPLE I LOVE AND TO ALL THE PEOPLE WHO HATE ME AND TO ALL THE PEOPLE WHO DONT KNOW ME YET.

If you don’t know LOVE where will you be?

Thursday, November 24th, 2005

Bleeding_heart I came here with a load
And it feels so much lighter now I met you
And honey you should know
That I could never go on without you

Napakasaya kapag alam mong may nagmamahal sa iyo at mahal na mahal mo din siya.
Nawawala lahat ng lungkot kapag kasama mo siya,ganun din ang pakiramdam niya.
Lahat gagawin mo mapasaya mo lang siya,lahat ng kaya mong ibigay,ibibigay mo para lang sa kanya,
Puso,kaluluwa halos wala ng matira sa iyo,pero ayos lang basta para sa kanya at ganun din siya sa iyo.
Madalas sabihin ng iba na tanga ka kapag ikaw ang unang umibig ,ikaw ang talo.
Pero bingi,bulag at pipi ka kapag umiibig ka.Bingi dahil hindi mo pinapakinggan ang mga sinasabi nila.
Bulag dahil siya lang ang nakikita mo at kahit na ano pa siya hindi na ito importante.
Pipi dahil hindi mo masabi sa kanila ang iyong tunay na nararamdaman at alam mong hindi ka rin naman nila maiintindihan kahit ilang ulit mong ipaglaban ang opinion mo,kaya mabuti pa na manahimik ka nalang.

You give me fever
When you kiss me
Fever when you hold me tight
Fever
In the mornin’
Fever all through the night

Ang pag-ibig para sa akin ay parang isang sakit na madaling kumapit pero mahirap alisin,di lang basta sakit,
isa siyang epidemia na mabilis kumalat at nakakahawa. Sakit na ayaw mong mawala pagkat masarap ang pakiramdam at kapag nawala ito pakiramdam mo na parang gusto mo ulit mahawa,gusto mo ulit mag-kasakit,minsan pakiramdam mo kapag nawala ito, parang wala ng saysay ang buhay mo dahil wala ka ng sakit,pakiramdam mo katapusan na ng mundo ,pakiramdam mo tumigil ang lahat , pakiramdam mo na nagiisa ka.Madalas na mas nararamdaman mo ang pag-iisa kapag nasa lugar ka na madaming tao,madaming nagiibigan,lugar na nakakapagpaalala sa iyo ng lumipas mong pag-ibig. Wala kang magawa kundi manood nalang sa lugar na kinalalagyan mo at isipin ang pinakamamahal mo na hindi na muling makita at di mo na muling makausap.Yan ang mga kuplikasyon kapag nagkaroon at nawalan ka ng sakit na tinatawag na Pag-ibig.

Kapag may sakit ,kailangan may sintomas, ano nga ba ang mga sintomas kapag magkakaroon ka ng sakit na Pag-ibig?

-Masayahin
-Pakiramdam mo kumpleto palagi ang araw mo.
-Di maiwasang pag-ngiti na kahit mag-isa ka lang ,mga ngiti na kapag nakatanggap ka ng mensahe galing sa taong gusto mo.
-Kapag may naririnig na magandang awitin ,napapasabay ka dito at ang laman ng iyong isip ay ang taong gusto mo.
-Palaging blooming dahil ayaw mong may masabi sa iyo na hindi maganda ang taong gusto mo.
-Madalas na pagbili at pagbigay  ng regalo.
-Madalas na pag-gamit ng telepono at napupuyat ka kausap ang taong gusto mo.
-Madalas na pag-awit ng kantang tungkol sa pag-ibig habang naliligo.
-Minsanang  pambobola sa taong gusto mo.
-Palaging tumitingin sa larawan ng taong gusto mo,minsan hinahalikan pa ito.

Ilan lang ito sa mga sintomas kapag malapit ka ng magkaroon ng sakit na tinatawag na Pag-ibig. gusto mo mang iwasan ay hindi mo magawa.

And I love you so
Though people ask me how
How I live till now
I tell them I don’t know
I guess they understand
How lonely life has been
But life began again
The day you took my hand

Noong kamakailan lang ay nagkaroon ako ng sintomas, may napusuan ako. Gustong gusto ko siya,di ko maiwasang hindi siya isipin,hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang larawan niya bago ako matulog ,madalas siya ang bukam bibig ko sa mga kaibigan ko. Sa hindi malamang dahilan unti unting nahuhulog ang loob ko sa kanya ,lalo na ng makita ko siya sa personal. Pinipigilan ko ang aking sarili na mahulog dahil baka masaktan lang ako at alam kong napakabilis na naman.Kailangan nga ba talaga na may eksaktong panahon at haba ng oras para malaman mong umiibig ka na? Paano kung yun talaga ang nararamdaman mo? Paano kung ikaw talaga ang tipo na madaling mapa-ibig? Masama ba? Mali ba? Siguro mali dahil alam mo na posibleng masaktan ka. Para lang yang mainit na sabaw na alam mo na ngang mainit ay pilit mo pa rin hihigupin.pero gustong gusto mo ang sabaw at kahit mainit ito wala kang pakialam kahit mapaso ka dahil gusto mo ito.

I won’t go
I won’t sleep
I can’t breathe
Until you’re resting here with me
I won’t leave
I can’t hide
I cannot be
Until you’re resting here with me

Lumipas ang mga ilang araw ,patuloy pa din ako sa pagtanggap ng sakit na tinatawag na pag-ibig. Pakiramdam ko para akong nasa ulap na palutang lutang. Nag-iisip kung ano ba ang dapat kong gawin.
Ano ba ang tamang hakbang. Ako ang taong hindi marunong mambola ,ako ang tipo ng taong natataranta kapag nandyan na ang crush ko, ako ang taong torpe ,ako ang taong naghihintay lang na malaman kung gusto din ba ako ng taong gusto ko. Pero ganun pa man ,minsan napapakita ko sa isang tao kung interisado ako sa kanya ,madalas na pagtawag ,madalas na pagtext ,pinapaalam ko sa kanya na nandito ako ,ang taong may gusto sa iyo ,ang taong interisadong makilala ka ng lubusan ,ang taong baliw na baliw na sa kakaisip sa iyo ,ang taong hindi mapalagay ,ang taong tanga!

I’m crazy for you
Touch me once and you’ll know it’s true
I never wanted anyone like this
It’s all brand new, you’ll feel it in my kiss
I’m crazy for you, crazy for you

Masaya ako tuwing gigising ako sa umaga at makakakita ng balita tungkol sa kanya ,parang heavy meal na sa akin yun. Busog na busog ako sa ligaya kasi naalala niya ako.At tuwing maririnig ko naman ang boses niya ,lalo akong natutuwa ,naguumapaw sa kaligayahan ang puso ko ,pakiramdam ko unti unti akong nakukumpleto. Bawat araw siya ang nasa isip ko, umaga hanggang madaling araw. Kapag nagkakape ,kapag kumakain ,kapag nagtatrabaho ,kapag naliligo ,kapag umaawit ,kapag nagdadasal ako ng mataimtim bago matulog siya ang nasa isip ko. OO,ibinuhos ko na naman ang buong panahon ko kakaisip sa taong hindi naman ako sigurado kung iniisip din ba talaga ako. Hindi ako sigurado kung parehas ba kami ng nararamdaman. Sa madaling salita ,positive na ako! Positive na akong may sakit na tinatawag na Pag-ibig ,di nga lang matukoy kung anong level na ito.

Perhaps love is like the ocean, full of conflict, full of pain
Like a fire when it’s cold outside, thunder when it rains
If I should live forever, and all my dreams come true
My memories of love will be of you

Masakit man isipin pero dumating na naman ang araw na ayaw ko ng makita ,alam ko hindi ko maiiwasan pero ang bilis ,eto na naman siya ,parang kinahihiligan akong dalawin. Parang kabute na susulpot nalang.
parang tawag ng kalikasan. Parang nananadya na siya. Ang araw na masasaktan ulit ako. Ang pakiramdam na hindi ko mapaliwanag ,di ko alam kung maiiyak na lang ba ako o matatawa sa sarili ko. minsan natutulala nalang ako kapag nasa ganito akong sitwasyon. Wala sa sarili ,walang focus ,walang ganang kumain ,minsan may malakas kumain…MAGULO ANG UTAK KO! NAAAWA NA AKO SA SARILI KO! Ginusto ko bang maramdaman yun? bigla ko nalang naramdaman. wala akong magawa ,sinubukan kong pigilan ngunit masyadong malakas ang kapangyarihan niya ,mabilis na pumasok sa katawan ko. Naging alipin na naman ako ng pag-ibig. Wala naman masamang intensyon ang pag-ibig sa akin. Nasaktan ako dahil sinaktan ko ang sarili ko. Naging masokista na naman ako.

Morning has broken, like the first morning
Blackbird has spoken, like the first bird
Praise for the singing, praise for the morning
Praise for the springing fresh from the word

Maaga akong gumising kahit na antok na antok pa ako kaninang 10:30 ng umaga ,5 am na kasi ako nakatulog. Susunod kasi ako sa kapatid ko para makipagkita sa mga magulang ko. Tiningnan ko ang cellphone ko kung may message ako,meron nga, Apat ,una kong binasa ang sa kaibigan ko, at laking tuwa ng makita kong may mensahe sa akin ang taong kinababaliwan ko…ngunit iba ang nakasulat ,sumagot ako sa kanya at binati ko siya ng magandang umaga ,sabi ko pa nga na baka tulog na siya kasi huli na akong nakasagot sa tinatanong niya sa akin ,tinatanong niya kung bakit hindi na daw ako nagreply ,nagtaka ako dahil wala naman akong natanggap na ibang mensahe galing sa kanya.Pagkatapos kong sumagot nakatanggap ulit ako ng mensahe galing sa kanya ,isang mensaheng hindi ko makakalimutan ,isang mensaheng wala naman masamang intensyon. Isang mensaheng kung iisipin mong mabuti  sa isang banda ay maganda. Pero iba ang unang naramdaman ko ,Masakit ,naramdaman ko nalang na nanginginig na ang mga kamay ko ,huminto ang oras ,tahimik ang buong paligid ,wala akong marinig kundi ang kabog ng puso ko. Parang namatayan na naman ako ng isang mahal sa buhay ,di ko namalayan na basa na pala ang pisngi ko dahil sa luha… Sinabi niya sa akin na magkakaroon na siya ng partner. hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya ,blanko ang isip ko ,ang lamig ng paligid ,nanginginig pa din ang mga kamay ko. Hanggang bumalik ang lahat sa normal ,umandar na ulit ang oras, narinig ko na ulit ang mga huni ng ibon sa labas ,ang mga asong nagtatahulan ,ang mga kapit bahay namin ,ang tunog ng makina ng hangin sa aquarium. Huminga ako ng malalim para mahimasmasan at tsaka ko sinagot ang kanyang mensahe. Sabi ko sa kanya na wag siyang mag-alala at ayos lang ako ,at siguro eto na ang oras para tigilan na ang pag-iimahinasyon ko sa kanya. Sinabi ko din na palagi akong nandito kahit ano man ang mangyari. Lahat ng sinabi ko sa kanya galing pa din sa puso ko. Gaya ng mga sinasabi ko sa kanya mula noong simula palang.
              OO masakit ,pero kailangan kong tanggapin na wala na akong pag-asa.Hanggang dun nalang ang kaya niyang ibigay sa akin ,ang pagkakaibigan.

I never meant to cause you trouble,
And I never meant to do you wrong,
And I, well if I ever caused you trouble,
O no, I never meant to do you harm.

Siguro nga hindi pa panahon para sa magkaroon ako ng magmamahal sa akin.Marahil karma to dahil sa nagawa ko noon. Nagkataon lang na masyadong mabilis ang karma ko. Ang masakit lang kapag naiisip ko na tatlong beses akong nasaktan sa buwan na ito ,tatlong beses akong parang namatayan ,tatlong beses akong nagpabaya sa sarili ko. Kasalanan ko ang lahat ,masyado akong nagpadala sa emotion ,sa naramdaman ko. Kung mayroon man dapat managot ay ako iyon at wala ng iba.Hanggang ngayon mayroon pa rin akong sakit na tinatawag na pag-ibig ,nasa sa akin na ang desisyon kung hahayaan ko nalang ba ito sa katawan ko hanggang pumanaw ako o kaya ay gagamutin ko siya para may makapasok naman ang ibang sakit. Hanggang ngayon naiisip ko pa rin sya, tinitingnan ko pa rin ang larawan niya ,binabanggit ko pa rin ang pangalan niya na sana sa susunod ay iba na ang itawag ko sa kanya, Mahal na.

I would like to dedicate this song to someone who will always be in my heart…sana nga sya na ang taong magpapasaya sa iyo, ang taong magsasabi sa iyo na hindi ka nag-iisa, ang taong magpaparamdam sa iyo na kumpleto ka at sana hindi ka niya saktan at wag mo rin sana siyang saktan, paramdam mo din sa kanya ang lahat ng kaya mo. Hindi ako magbabago, malulungkot ako pero pansamantala lang ito, hindi na siguro ako normal kung humalakhak pa ako dahil sa sinapit ko.Wag kang mag-alala sa akin lilipas din to, gaya ng sakit , nagagamot din ang nagdurugong puso. Kailangan kong maging matatag, kasi may mga ibang tao pa din na kailangan ako. Kung hindi ako marunong magmahal,nasan kaya ako ngayon?

Dying - Five for Fighting

I’m Dying, Dying to wake up without you, without you in my head again
I’m Dying, Dying to forget about you, that you ever lived
There’s a shade come over this heart that’s coping with laying down to rest
I’m Dying to live without you again

I’m Dying, Dying to find a distraction, get you away from me
I’m Dying, Dying to reach a conclusion, so that the world can see
It’s the same old story of love and glory that broke before it bent
I’m Dying to live without you again

The first time you left I said goodbye
Now there’s not a prayer that can survive

Dying, Dying to die just to come back so we can meet again
Dying, Dying to say what I always should have said
It’s a strange emotion this but there’s still hope in this
As long as there’s a breath…
I’m Dying and I can’t live without you again

It’s a strange emotion this but there’s still hope in this
As long as there’s a breath…

I’m Dying and I can’t live without you
I’m Dying and I can’t live without you again

when we dance - for people whos in love but cant say it yet

Wednesday, November 23rd, 2005
Artist: Sting
Song: When We Dance
Album:

If he loved you
Like I love you
I would walk away in shame
I’d move town
I’d change my name

When he watches you
When he counts to buy your soul
On your hand his golden rings
Like he owns a bird that sings

When we dance, angels will run and hide their wings

The priest has said my soul’s salvation
Is in the balance of the angels
And underneath the wheels of passion
I keep the faith in my fashion
When we dance, angels will run and hide their wings

I’m still in love with you
(I’m gonna find a place to live
Give you all I’ve got to give)
When we dance, angels will run and hide their wings
When we dance, angels will run and hide their wings

If I could break down these walls
And shout my name at heaven’s gate
I’d take these hands
And I’d destroy the dark machineries of fate
Cathedrals are broken
Heaven’s no longer above
And hellfire’s a promise away
I’d still be saying
I’m still in love

He won’t love you
Like I love you
He won’t care for you this way
He’ll mistreat you if you stay

Come and live with me
We’ll have children of our own
I would love you more than life
If you’ll come and be my wife
When we dance, angels will run and hide their wings
When we dance, angels will run and hide their wings
When we dance, angels will run and hide their wings
When we dance, angels will run and hide their wings

I’m gonna love you more than life
If you will only be my wife
I’m gonna love you more than life
If you will only be my wife
I’m gonna love you night and day
I’m gonna try in every way

(I had a dream last night
I dreamt you were by my side
Walking with me baby
My heart was filled with pride
I had a dream last night)

Page Cannot be displayed

Wednesday, November 23rd, 2005

Mostwanted       GGGGGRRRRR nakakainis,ang dami dami ko ng naisulat kanina ng biglang nag Page Cannot be displayed pa…punyemas naman oh…sisimulan ko na naman tuloy ulit ang lahat ng isinulat ko…parang nawawalan na ako ng gana…nakakainis talaga…OK calm down calm down blogs lang yan bert…sssshhhhhh hinga ng malalim sabay release 1…2…3… haaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyy!!!

             Sarap maligo sa gabi,ang sarap ng pakiramdam,ang kinis kinis ang bango bango mo,tapos maglalagay ka pa ng baby cologne na pasimple mong kinuha sa cabinet ng pamangkin mo.sabay yakap sa labs mo at maamoy ka niya at kikilitiin ka nya tapos magtatawanan kayo at magkakatitigan,sabay maghahalikan kayo at magsasabihan ng I LOVE YOU!!! aaaaaaaaawwww how sweet! kaso wala naman akong labs,kaya aso ko nalang ang yayakapin ko.

nagawa ko naman ang mga dapat kong gawin sa araw na ito,hindi nga lang lahat. Ang mga nagawa ko lang ay magwalis walis ng mga tuyong dahon mula sa puno ng macopa namin sa bakuran,maghugas ng pinggan,itapon ang mga napanis na kanin(kunwari tinapon ko pero kinain ko ito) ,nalinis ko na rin ang carpet na matagal ng hindi nagagamit at nakatambak lang sa likuran ng bahay namin,ang dumi sobra,hindi ko na nga maibalik ang kulay niya eh,pero ok lang malinis na naman siya,wala ng alikabok,pwede na ulit gamitin kapag natuyo na siya.Hindi ko po napaliguan ang mga alaga kong aso kasi ang hirap nilang hulihin,takbo ng takbo kapag tinatawag ko,alam kasi nila na papaliguan ko sila eh,mautak amputah!

   wala naman espesyal na nangyari sa araw ko,nakatulog nga ako sa sofa kanina eh,kaso saglit lang,nagising din ako kaagad,hindi kasi maayos ang pagkakahiga ko,pinagkasya ko lang kasi ang sarili ko sa pang-single na upuan,ayun medyo masakit ang batok ko pagkagising.Kumain kaagad ako pagkabangon kasi gusto kong matikman ang sinasabi ng utol ko na Tapa ng Usa!masarap siya,panalo talaga kasi malambot siya,madaling kainin at kakaiba,hindi kagaya ng Baka.tapos sinamahan pa ng sinangag,tortang itlog at pritong talong,pinoy na pinoy at talagang super busog na naman ako! Bili kaagad ako ng sopdrinks pagkatapos kong kumain,sabay sindi ng yosi at naupo na sa harap ng PC para magdownload ng mga lyrics ng Rage Against the Machine UGH! UGH! UGH! YEAH YEAH YEAH!!! head bang ako habang nakikinig kanina…Upbeat na Upbeat kasi,nadadala ako! Pagkatapos kong magdownload,naligo na muna ako at pagkatapos kong maligo,eto nagsulat na ako ng blogs ko…parang bumalik ako sa simula ah…hihihihihi! hanggang dito nalang muna at manonood na muna ako ng pelikulang hindi ko pa natatapos!

nasan ka na ba??? mahal mo pa ba ako??? minahal mo ba talaga ako??? im trying to move on now,but sometimes i still think about you… :-(

Mood:  Hyper but a bit sad

Song while writing : Belonging - David Gates

“Hindi ako parang isang robot na lahat ng gagawin ko ay sasabihin mo!”

Tuesday, November 22nd, 2005

Robotbert      Eto na naman Blogs na naman,saan ba ako magsisimula…bago ang lahat gusto ko munang pasalamat ang mga friends ko na si Reinier at Bullit dahil sinama nila ako sa panonood nila ng Harry Potter!!!…..Huh?..OO nilibre nila ako,bakit may angal ka??? ok,ok,sige na,makapal na ang mukha kung yang ang gusto mong sabihin…leche! GUYS THANKS TALAGA,inggit lang yang mga yan kasi sila hindi pa napapanood ang HP…HMPFF!!!

      kumpleto araw ko ngayon,kasi nagtext na naman sa akin si _ _ _ !!! yiiihhhiiii!!kilig na naman ako to death! seryoso namatay ako,nabuhay lang ako ulit…hihihihi..ang gagah ko talaga!!! anyway,after kong magstay sa bahay ni Brother Bear kanina,sumakay ulit ako sa EXPRESSSSSSSSSSSS na bus na byaheng Novaliches ever!Grand Slam..15 mins lang yata ang byahe ko,oh say mo? who sez matrapik sa nova? footah ka! then nakita ko na naman ang mga Bar Girls na nagpapapansin sa mga pasahero bandang Sauyo,palagi silang nandun,kumakain ng usok at alikabok para may maitulong sila sa pamilya nila…talent yun ah,kumain ng usok at alikabok!Oh diba? say mo ulit! then bumaba na ako ng bayan,umiwas na ako dun sa mga nagtitinda ng DVD kasi baka matukso na naman akong bumili ng kung ano ano,kasama na dun ang 30 petot na XXX na iba ang laman kaysa sa pabalat,wag mong sabihin na hindi mo alam yun kundi liliit yang patotoy mo! So nag-abang na ang lola mo ng dyip papunta sa aming Hacienda,nakasakay naman ako kaagad,habang inaantay umandar ang dyip, narinig ko ang isang linya sa palikula na pinapanood ng mga kalalakihan dun sa tindahan ng DVD.. and it goes a lil’ sumting lyk tis’ check it out " Hindi ako parang isang robot na lahat ng gagawin ko ay sasabihin mo!"   aaaahhh taray diba? di ko nga lang nalaman kung sino nagbitaw ng salitang yun..parang kaboses ni Alma Moreynowh! hihihihi! at umandar na ang dyip..nakakita pa ako ng asong kumakalkal ng basura sa palengke kasama ang isang malaking daga.

      sa wakas malapit na ako sa bahay isang trisikel nalang at pahinga ever na ako..ooopps syempre check na muna ng celpon at baka may nagtext..wala naman…pagdating sa bahay,sumalubong kaagad sina bantay na puro garapata,himas himas kahit madumi sila,ano naman pwede naman maghugas ng kamay eh..sabi nga nila,kaya daw masaya ang mga alaga kapag dumadating ang amo nila,kasi wala naman silang pag-aari kundi ang pagmamahal ng tagapag-alaga nila…tsk tsk..naiiyak tuloy ako..anyway,bukas plano kong paliguan yung pinaka-aso ko,kasi yung isa alaga ng pamangkin ko talaga yun eh,ayoko ko yung paliguan kasi takot sa tubig ang lekat,nagpapapalag habang pinaliliguan,ayoko ng ganun at baka mapatay ko lang sya sa inis…kaya iwas nalang ako sa pagpapaligo sa kanya at baka pati ako maligo sa dugo niya!nyeta!..sana nga lang sipagin ako bukas na magpaligo,dahil eto na naman at puyat na naman ako sa harap ng computer…dyosko paano nga ba naman ako aasenso panay ang puyat ko…sya,sya hanggang dito nalang at magpapahinga na muna ako,haaayy sana pagkagising ko bukas may text ako na galing sa kanya…HIHIHIHIHIHIHI!!!!

I cant take my eyes off you!

Sunday, November 20th, 2005

Chapter 1

  Sa dami ng nangyari sa buhay mo,may mga partikular na oras at pangyayari na gustong gusto mo,gusto mo siya dahil masaya ka sa mga oras na yun at parang ayaw mo ng umalis sa oras na yun dahil pakiramdam mo na para kang nasa langit,kasi sobrang masaya ka at kuntento…pero,maraming pangyayari na ganito na dumaan na sa buhay mo,kagaya ng Birthday mo at binigyan ka ng napakagandang regalo ng kapitbahay niyo na madalas mong silipan…nanganak ang alaga mong askal na palagi nalang nalalaglagan ng mga tuta…nakatanggap ka ng award sa school kahit ikaw ang panghuli…o kaya kinindatan ka ng crush mo sa school,nakilala mo siya,na-idate mo siya,nakang-kang mo siya to the maxxxxx and you feel like you’re in heaven!

   well ang sarap sarap diba??? just like what happend to me last night,i met my super dooper crush…super cute niya,sobra,lag-lag talaga panty ko sa kanya,pero hindi ko pinahalata,nahihiya ako eh,di ko magawa na gumawa ng move,natorpe ba ako?oo sa tingin ko natorpe ako… or kasi sabi ko sa sarili ko na gusto ko na munang umiwas sa pag-ibig after the big tsunami na tumama sa akin? ano ba? ano ba talaga? saan ba ako pupunta?nalulunod pa din ako sa mabaho, mapait at napakaalat na nakaraan… ang gulo..dapat ko ba talagang pigilan ang sarili ko na umibig ulit? teka teka ako lang ang makakasagot nito…bat ko pa ba tinatanong ang iba…bakit nga ba?

Chapter 2

      OK OK RELAX RELAX kuha ka muna ng isang timbang tubig na malamig at ibuhos mo sa sarili mo para mahimasmasan ka…magpainit ng tubig at uminom ng napakasarap at paborito mong timpla ng kape,magsindi ng yosi at mag-isip…HMMMMMMMMM HMMMMMMMMM HMMMMMMMMMMM…. ang kati sa utak,parang may garapata ang utak ko! sana pagkagising ko bukas maayos na ang lahat,pero hindi ganun yun…ssshhhh,kaya mo yan,kaya mo yan…hinga ng malalim hinga lang ng hinga at dadating din sa iyo ang nararapat sa iyo,ang matagal mo ng hinihnitay ang ninanais mo…wag mainip..wag mabahala.."what you dont have,you dont need it now" well,all i know is,theres nothing left to me but BELIEVING!!!

Chapter 3

          I still havent seen Harry Potter 4,grrrr di ko palalampasin yun,di ko na nga napanood yung ibang magagandang palabas noon eh…basta ayoko!

Chapter 4

       tama na titigil ko na tong pagsususlat na to…wala na naman ako sa sarili ko eh…mabuti pa ay maglinis na ako ng katawan at magkape at maghanap na ng trabaho sa dyaryo…tangina,pansinin  mo ang broad sheet na newspaper,yung classified ads…after ng classified ads Obituary…parang sinasabing kapag wala ka ng makuhang trabaho,magpakamatay ka nalang!!! hehehehe! tama na tama na!!!!

2:30 am na at gising pa ako…

Friday, November 18th, 2005

   Siguro iniisip mo kung ano kaya ang Blog na isinulat ni Bert,kaya nandito ka at binabasa mo ito ngayon…tama ba? malabong magkamali ako. Gusto ng magpahinga ng katawan ko pero ang utak kong ubod ng bagal ay hindi pa rin mapagod pagod sa kakaisip ng mga bagay bagay na puno ng katanungan, mga bagay na malayo na naman sa katotohanan…hmmmm "ano kaya yun?yan ang tanong mo sa iyong sarili" ..teka bigyan kita ng sampol…Kung papipiliin ka,magkaroon ka ng kapangyarihang lumipad,ngunit kapalit nito ay habangbuhay na pagiging single,papayag ka ba??? o kaya kung bibigyan ka ng pagkakataon bumalik sa nakaraan at baguhin ang iyong buhay anong specific na oras ang babalikan mo at bakit?…..uuuuuuyy may naalala siya..nagiisip siya! Unfortunately hindi magkakatotoo ang lahat ng ito…kasi kathang isip ko lang ito…pero kapag nagawa ko sasabihin ko kaagad sa iyo.

   May naalala pa ako noong nag-aabang kami ng sasakayan ng barkada ko,tinanong ko siya … kung anong pipiliin niya… Isanga Katana na nahihiwa ang kahit ano o Isang Big Bike na hindi nasisira at hindi rin nauubusan ng gasolina…kung ikaw ang tatanungin,anong pipiliin mo?…Ako hanggang ngayon nahihirapan pa…kasi ang naiisip ko,kung pipiliin ko ang Big Bike,pwede kong sagasaan yung pumili ng espada at angkinin ko ito…kapag pinili ko naman ang espada,kakatayin ko nalang ang pumili ng Big Bike at aangkinin ko ito…pwes,sa madaling salita isa akong sakim! bwehehehehe! pero masaya diba? kaya ko siguro naisip to, naimpluwensyahan kasi ako ng mga Japanese movie’s na ang mga bida ay Samurai…OO tanga! Samurai ang tawag dun sa mga hapon na gumagamit ng sword…hindi yung sword nila ang Samurai…akala ko din ganun noon bata ako eh…pero hindi pala. yung sa Big Bike naman…teka…wala naman kuneksyon,naisip ko lang.

         Ay muntik ko ng makalimutan,noon kasi hindi ko pinapansin ang Star Wars hindi ko kasi feel pa noon…hindi ako super fan ng mga Sci-Fi movies eh…pero after i saw the Revenge of the Sith,ayun…nahulog ang loob ko,na-inlove ako sa kanya…lalong lalo na sa LIGHTSABER!!!!! SYETT!!!! ang ganda ganda kaya! nakita ko pa yung replica ng Lightsaber sa Eastwood! OO,nakapunta ako ng eastwood akala mo naman ikaw lang ang nakapunta dun…pwede kahit sino dun noh tanga ka? Anyway,nakita ko nga dun ang pinaka-iibig kong mga lightsaber ng starwars nandun yung kay Obi-wan,kay Darth Vader,kay Darth Grievious at kung kani-kanino pa, naloka ako sa itsura nito,nagkikintaban,nakaka-akit…parang gusto ko ng lumuhod sa harap nito at sambahin,gawan ng altar at gawing anito…sa sobrang curious ko,tinanong ko sa sales lady na mabait,makinis ang balat, maputi,cute at may dimples kung magkano yung Lightsaber nilang tinitinda sa maganda nilang tindahan,"Gudapternun Mis! tanong ko lang kung magkano yung lightsaber ninyong tinitinda?" tinanong niya ako kung ano daw ba dun,sabi ko "yung kay Obi-wan kenobi"…nagulat ako sa sinagot sa akin ng lintek na hudas na sales lady na yun na hindi naman kagandahan at mukhang pok-pok,nakakagimbal na 20 thousand pesosessss daw!!!! "nek-nek mo!!! puki mo may gilagid!!! ang mahal mahal hindi maka-tao ang presyo niyo,walang bibili niyan,gago ka!" pero syempre sa isip ko nalang sinabi yun…kaya ngumiti nalang ako at sinabing "Ahhhhh! sige salamat mis" at dahan dahang lumabas sa tindahan habang pahipo hipo sa iba nilang paninda…GRRRRRRR!!!!! di kinaya ng powers ng lola mo ang price,kulang ang Force ko dun! pang ilang linggo ko na rin pang-kain yun noh!  wala akong extra money para sa ganun,nyeta!!! kapag nagkaroon nalang siguro ako ng magandang trabaho,yung tipong 50,000 every payday pwede pa!…may kumpanya kayang ganun??? na magbabayad sa isang katulad ko??? Hmmm???baka!

         Ganun pa man,kahit di ko siya nabili,nagisip ako,ginamit ko ang utak kong sobrang bagal,halos dumugo ang ilong ko kakaisip kung paano ako magkakaroon ng Lightsaber…ng isang gabi,may parang bumulong sa isip ko…""""GGGGGUMAWA KA NALANG TANGAAAAA"""" parang yung commercial ng Safeguard. OO nga tama gagawa nalang ako ng sarili kong lightsaber…nagsearch ako sa internet ng mga replica…nagulat at nagulantang ako sa akin mga nakita,madami palang gumagawa ng mga replica ng lightsaber…nakakuha ako ng ideya! May nakita ako na gumawa yari sa mga parte ng isang lumang vacuum cleaner,yung isa naman yari sa mga tubo at mga bagay bagay na makikita lang sa loob ng kapitbahay niyo! Hindi ko napigilan ang sarili ko,minsan nagigising nalang ako sa madaling araw dahil sa lightsaber,para itong bisyo na nakakaadik at hahanap-hanapin mo…hanggang dumating ang araw na itinakda sa akin…eto na ang araw sabi ko! Gagawa ako ng sarili kong (pasigaw na binigkas) LIGHTSABER PUTANGINA!!!! kamakailan lang with some Halps from my very very good friends of mines! ay natapos ko ang matagal ko ng pinapangarap,ang magkaroon ng sarili kong Lightsaber!!! o diba? say mo? kulay blue pa,kaso wala pang ilaw,lalagyan ko palang ng super dooper Halogen light para mas matindi ang dating,mas attractive ika nga nila …ANO? hindi ka naniniwala ??? pwes papakita ko sa iyo ang larawan kapag na-upload ko na ang pictyur! baka sabihin mo nambobola lang ako eh… maganda siya! matutuwa ka kapag nakita mo,pramis! mukhang makatotohanan…Dahil dun,napalitan ang matinding lungkot sa puso ko,nawala ang mga masasakit na dinaramdam ko mula pa noon,mga sakit dahil sa pag-ibig na nabigo,napalitan ito ng (walang hanggang) ligaya! (andrama ko nyeta!)

       …teka teka hanggang dito nalang…parang may hindi ako nagustuhan,parang may anino akong nakita sa tabi ko, parang may kasama ako dito na nanonood sa ginagawa ko…innaaayy!!! matutulog na nga ako…kung ano ano kasi ang naiisip ko eh.

do i really have to stop myself?

Thursday, November 17th, 2005

am i not supposed to have what i want?

am i not supposed to have what i need?

what should i do?

do i have to stop myself from loving someone?

i like someone,but i can’t make a step,something inside me is still breaking,forcing me to stop liking someone…but i cant be like this…

time will tell and only I will know the right answer to all the questions i have.