Weekend in Hong Kong Part 1

April 7th, 2008 by gwinchy

Ngayon ko lang naranasan ang lumabas ng bansa, ganun pala ang pakiramdam, nakakailang dahil hindi mo teriteryo, hindi mo magawa ang mga tatak pinoy na ginagawa mo sa pilipinas, hirap kumilos, hirap magpaka-pinoy, dahil nakakatakot na hindi mo alam baka labag na pala sa batas nila yung ginagawa mo. Last week nagpunta kami ng Hong-Kong, araw ng biyernes March 28, 2008. Umalis kam ng pinas ng 8am, 2nd time kong sumakay ng eroplano kaya hindi na ako gaanong excited, pero ganun pa man ay masarap pa din dahil hindi mo naman araw araw ginagawa yun diba? Maulap noong araw na yun kaya di ko din masyadong makita yung nasa ibaba, tsaka wala kasi ako sa tabing bintana kasi may lalaking nauna na sa amin. 1hr and 45mins ang biyahe, halos kalahating oras pa lang ay medyo bored na ako sa eroplano, buti nalang may dala akong panlibang at may magazine din namang available, yung Mabuhay! Then kumain din kami sa eroplano, pinapili ako ng flight attendant kung pork or fish, yung fish daw nila bangus, pritong bagus, almusal kasi eh, so sabi ko sige yung bangus nalang po, pagbukas ko nung meal, PORK! wow sabi ko! OK na din to, tsaka nalang ako babawi sa bangus. Then eventually inanounce na ng pilot na ilang minuto nalang daw ay lalanding na kami sa HK, pinapakita pa nila sa monitor yung distance ng eroplano sa destination. Yey!!! sabi ko, malapit na din kami sa wakas, ano kayang itsura ng HK? malamig kaya? may snow kaya? Sa bintana palang nakikita ko na yung mga bangka sa dagat, tapos lumanding na nga kami, napakahamog nung araw na yun sa HK, yung mga bundok nababalutan ng mga ulap, hindi mo na makita yung tuktok at manghang mangha ako sa laki ng airport nila dun, as in isang isla yung airport nila http://www.hongkongairport.com/ ayan oh check mo!Safe landing kami kaya lahat naman ay talagang masaya, dami din naming mga pinoy na kasabay sa eroplano, yung iba mga sa HK siguro nagwowork, yung iba naman ay mamasyal lang din kasama ang pamilya nila, tsaka ko lang napansin nung nasa checking na kami ng passport dun sa HK. OK nga dun eh, may free candy sa desk nila, kumuha kami ng 4 na candy! hehehe!

Imgp2365

Just waiting for our bags to come…

Imgp2370

see…i got my bag!

Pagkatapos namin sa HK airport sumakay na kami ng tren na pagkaganda-ganda at tumungo na kami sa isa pang station ng tren para sumakay ulit ng isa pang tren hanggang sa matunton namin yung Inn na tutuluyan namin…daming palipat-lipat pero masaya naman kasi 1st time nga eh, so manghang-manghang ang inyong lingkod!

Imgp2376

viewing outside from the MTR…

Imgp2384

haaaaayyyy nyemas kakapagod mag-byahe! I wanna rest first bago simulan ang unang araw ng lamyerda sa HK! I am so excited! sasakay kasi kami sa Cable Car at pupunta kami sa malaking Buddha!

Imgp2385 Imgp2398Imgp2386

Bakas naman sa aking mukha na nag-eenjoy ako dabah? Kung hindi ako nagkakamali halos 30mins din kaming nakasakay sa Cable Car na yan bago namin matunton ang Giant Buddha, ang sarap sarap kasi nagkataon na mahamog noong araw na yun at hindi mainit, hindi ka papawisan at manlilimahid…

Imgp2450

2 TULOG NA LANG!!!

March 26th, 2008 by gwinchy

Malapit na ang pinakahihintay kong bakasyon ng taong ito, kasi 2 tulog nalang ay pupunta na kami ng Hong Kong! Yey!!! Im so excited!!! Sana makapunta kami ng Disneyland mag-papapicture ako kay Mickey Mouse at ng mga kabarkads nya…ano kayang weather dun? sabi nila kaparehas lang daw ng pinas, well malalaman natin yan…Maganda din daw yung MTR nila dun, yun yung MRT nila, binaligtad lang. Maganda din daw yung Night Market kung saan madaming bangketa ng paninda na kung ano ano, parang Divi daw pero kakaiba…1st time kong aalis ng bansa, sana hindi ako mahiwalay sa kasama ko, sana hindi ako maligaw dun, kung Nov na at wala pa din akong update sa friendster ko, malamang nandun pa ako sa Hong Kong, nagiipon ng palimos para makauwi ng pinas hehehehe!

She will not be in my pocket…she will always be in my heart

March 12th, 2008 by gwinchy

alI am very very sure that most of us liked her, she gave us some songs that we love to listen while we’re driving, while we’re with our friends, when we’re alone, when we feel happy, angry or sad and most of all while we’re taking a shower… her songs gave us some words to wonder…songs that captured our hearts and mind…but where is she now??? …I dont hear anything about her anymore, I dont see her on TV or hear her from the radio…I love her, I love her songs…suddenly…I just missed her…the person that I am talking about is  labeled the "first lady of rage"  and she is non other than ALANIS MORISSETTE …debut Jagged Little Pill became one of the most successful albums of all time. The raw intensity of the album’s first single "You Oughta Know"…would you believe that at a tender age of 9 she wrote this…its called "Fate stay with me" .

I wanted money and hope and
A dream to carry me forever
This is all the hope I got left
Help me to get it together, now
I can sing or act or dance but I still won’t get far
Unless you help me, please, to be a big star

But where is the First Lady of Rage now??? did she get married? got babies? got a family of her own? …thats why right now I am downloading her songs and i will put it in my mp3 player and will never ever delete it!!!

Alanis_morissette_biography_2

Diko malilimutan ang pelikulang ito!

March 11th, 2008 by gwinchy

Naalala mo pa ba yung unang-unang Shake Rattle and Roll na movie? yung Manananggal na bida ay si Herbert Bautista at si Mary Walter yung lola nila…at yung gumanap na manananggal ay si Irma Alegre…syeeeeeettt takot na takot ako nun!!! kaya ito watch mo …just click the link

http://uk.youtube.com/watch?v=G-_dy1lMKks 

AFTER SEVERAL MONTHS

March 9th, 2008 by gwinchy

Ang tagal na pala ng huli kong blog, December 3 2007 pa…kumusta naman kaya yun diba??? Saan ba ako magsisimula ulit, Hmmmm…Well, kung kakamustahin niyo ang mga nagdaang buwan sa buhay ko eh masasabi kong OK naman…Umpisahan natin sa Christmas ko, masaya naman kahit paano, nakasama ko naman ang pamilya ko sa noche buena, tas nagpalitan kami ng gifts, yung New Year naman ok din, kaso 1st time kong sumalubong sa pagpasok ng bagong taon na nasa work, pakiramdam ko nasa abroad ako at sa phone kami nagbabatian ng Happy New Year, muntik na tuloy akong maiyak ng maisip ko nasa QC nga lang pala ako ng mga oras na yun at bakit ba ako magdadrama dabah? OK din naman ako sa work, nung December 25 nilipat na kami sa dati naming account…masayang malungkot dahil hindi ko na makakasama yung mga good friends ko dun sa isang account pero masaya naman din ako kasi makikita ko na naman yung crush ko…oh diba may crush! Anyway, moving on…Sa ngayon regular na kami sa work, nakalampas na ako ng 6 months, medyo nagsasawa na nga din ako sa kaka-take ng calls eh, parang araw-araw paulit-ulit nalang yung sinasabi ko, parang walang growth, parang wala ng buhay, buti nalang palagi kong nakikita yung crush ko at nabubuhayan ako…ayaw kong magsalita ng tapos, pero sa tingin ko hindi ako tatagal sa call center…anyway, kahapon pa ako ng 9pm gising kaya experience ko na munang matulog ngayon, sundan ko nalang ulit tong blog ko sometime soon.

JASWANDERIN

December 3rd, 2007 by gwinchy

Bakit kaya ang mga aso at pusa ang hilig kumain ng kung ano ano kaya minsan yung tae nila may kasamang plastik…ano kaya kung kumain din ako ng plastik? lalabas din kaya yun kasama ng tae ko?

PULUBI VS TAONG GRASA Round 2

November 28th, 2007 by gwinchy

Kanina ko lang naisip to habang naninigarilyo ako at tumatae, biglang sumulpot ng parang kabute sa isip ko ang tanong na…ANO KAYA ANG NASA ISIP NG ISANG TAONG GRASA??? Pabor pa din talaga ako sa mga Taong Grasa, kumara sa mga nakakairitang pulubi… Ang mga pulubi alam mo na kaagad kung anong unang naiisip niyan eh, kung anong motibo nila kung bakit sila lumalapit sa iyo, sa totoo lang madalas nilang sabihin ang nasa isip nila “Kuya/ Ate pahingi po ng pera pang-kain lang po” o di kaya, “ konting tulong lang po” sabay akay akay yung bulag nilang kasama sa kalsada, tama bang kaladkarin mo pa yung bulag o di kaya yung matandang uugod ugod o yung mga sanggol na walang kaalam-alam sa pamama-limos…hindi naman sa nagdadamot, pero kung iisip mo madami silang pwedeng gawin (basahin mo nalang sa Round 1). Dun sa labas ng office namin, may isang matandang halos gabi gabi nalang namamalimos, sasabihin pambili lang ng gamot, paano kaya sya gagaling kung madaling araw na ay hindi pa siya nagpapahinga? Pwede naman syang mamalimos sa umaga…OO, sige wala siyang kamag-anak para tulungan sya, wala na siyang oras magpahinga dahil kailangan niyang mamalimos para makakuha ng pambili ng gamot…bakit hindi siya pumunta sa isang center ng baranggay? Libre naman dun diba? Mas matutulungan sya dun…teka, yun nga ang sasabihin ko sa kanya kapag nakita ko siya ulit. Noong isang gabi naman, yung isang bata ang nandun, palagi din siyang nandun, halos gabi gabi yata nakikita ko yun dun, kausap niya yung isang babae, namamalimos sya, ayaw siyang bigyan ng pera nung babae…tanong nung babae, “ Nasan ba ang magulang mo? Bakit hindi ka nakapag-aral? Bakit hindi ka maghanap ng trabaho? “ sagot nung bata, “wala akong pinag-aralan kaya hindi ako makapagtrabaho” sinagot sya nung babae, “eh di pumasok ka kahit dish-washer sa isang karinderya, kailangan pa bang may pinag-aralan ka para maghugas lang ng pinggan? “ tameme yung bata, umalis nalang sya…gago eh. Tapos dun naman sa MRT Quezon Ave, may batang estudyante, lumapit sa akin, tarantadong yun sabi ba naman “ Kuya pahinging kuwarenta pesos?” nagulat ako eh, akala ko hold-up, so hindi lang pala taxi ang may flat rate ngayon? Pati na rin ang namamalimos? Hindi ko nga binigyan, sabay kinabukasan nandun na naman ang lintek na yun, at naka-porma pa ha! Hanep na pulubi, mas maporma pa sa akin…Teka teka, nalilihis na yata ako sa topic ko, ano nga kaya ang iniisip o nasa isipan ng isang Taong Grasa??? Sa tingin ko naiisip pa din niyang kumain dahil nakakaramdam pa din ng gutom yun syempre…pero ano kaya ang iniisip niya kung hindi sya gutom? Ano kayang iniisip niya kapag kinakausap niya ang sarili niya? Ano kaya ang naalala niya? Gaano kaya kataas ang I.Q. nya? Paano kaya sila magmahal? Sira ba talaga ang ulo ng isang taong grasa o sadyang hindi lang natin sila maintindihan? Hindi na ako magpapakaimpokrito, OO takot at nandidiri ako sa taong grasa dahil talaga naman kahit saan banda pa nating tingnan, madumi talaga ang itsura nila at mabaho…ngunit hindi naman sila magiging isang taong grasa kung hindi ganun ang itsura nila diba? Maglakas kaya ako ng loob minsan at kausapin ko ang isang taong grasa? Madami siguro akong matutuklasan…gusto mong sumama? Ano?

Tara

?

SAKRIPISYO

November 28th, 2007 by gwinchy

Sa tingin ko, isa na sa pinakamagandang pag-aari ng isang tao ay yung hawak niya ang sarili niyang oras. Malaya siyang gawin ang gusto niya, makakapunta sa kung saan saan at makamit ang mga pangarap niya. Ngunit hindi lahat ng ito ay maaring makasatuparan, dahil parte na ng buhay ng tao na may palaging bumabalakid sa oras niya, hindi ko masasabing sagabal, ngunit may pumipigil o pipigil upang hindi niya magawa ang gusto niya. Maraming posibleng sanhi, gaya na lamang ng kalikasan, sakit, kahirapan, kawalan ng lakas ng loob. Kay dami kong gustong gawin sa buhay, gusto kong mag-pinta mula sa maliit na pirasong canvas hanggang sa naglalakihang mural, hilig ko ding kumanta sa harap ng maraming tao kasama ng aking banda, umarte sa teatro, gusto ko ding gumawa ng sarili kong komiks, gusto kong lumawak ang kaalaman ko sa Computer Graphics at higit sa lahat, gusto kong mapabilib ang mga tao dahil sa aking kakayahan. Sa dami kong gustong gawin, wala akong nasimulan. Bakit nga ba? Dahil siguro iniisip ko gusto ko silang gawin ng sabay sabay? Ano nga ba ang dapat kong simulan? Saan ba ako magsisimula? Paano ako magsisimula…naguguluhan ako…hindi ko alam kung saang daan ba ako dapat tumungo…isang bagay na siguro kaya hindi ko magawa ang mga bagay na ito, ay dahil naiisip ko na kailangan kong unahin ang kumita ng pera. Kailangan ko ito para matulungan ang pamilya ko, ang sarili ko. Kay dami ko ng napasukan ng trabaho, lahat hindi ako tumagal, pinakamatagal ko na yata ay anim na buwan, tinapos ko lang ang kontrata. Napakahirap kong makuntento sa isang lugar, sa isang trabaho, madali akong magsawa, naiinip ako…ako kasi ang tipo ng taong hindi naitanim sa utak na maghanap ng malaking kita. OO mahalagang kumita ng pera, ngunit kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo, wala ding mangyayari sa buhay mo, dapat pantay, dapat masaya ka at kuntento sa ginawa mo, gawin mo kung anong sinasabi ng puso mo, gamitin mo ang kakayahan mo. Madalas kong naiisip na dapat mahalin mo ang trabaho mo, ngunit hindi ka nabuhay para magtrabaho, nagtatrabaho ka para mabuhay…mahalin ang trabaho ika nga, MAHALIN ANG TRABAHO!!! Ngunit paano naman ang sarili mo? Paano naman yung gusto mong gawin? …MAGSAKRIPISYO, MAGSAKRIPISYO, MAGSAKRIPISYO!!! Magsakripisyo para sa ikakasaya ng iba, sa ikagaganda ng buhay ng pamilya mo…AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!! Naalala ko tuloy yung nabasa ko noon sa isang forum ng mga Artist…sabi nung isa, na mabuti daw ay kinuha nya ay Major in Business at hindi Fine Arts, dahil sa ngayon hindi siya nagsisi dahil nagagawa naman niya pareho, may negosyo sya habang nakakapag-pinta…parang naisip ko tuloy, sana pala B.A. nalang din ang kinuha ko…HINDI, HINDI, HINDIIIIIIIII!!!! Tama ang pinili kong kurso, eto ako, pinanganak ako para sa larangan ng sining, pinanganak ako upang iguhit, ipinta at isulat ang nararamdaman ko, naiisip ko at mga ideya ko. Hindi ko alam kung totoo yung kwento na ito, ngunit naalala ko lang, si Dong Abay ng banding YANO, halos tatlong taon siyang nagkulong sa kwarto, wala na akong pakialam kung adik siya o kung sira ulo man siya…ngunit ang nakapagpalabas lang daw sa kanya ng kwarto ay ang bata niyang pamangkin, sabi sa kanya, “ diba singer ka? Bakit ka nandyan sa kwarto at hindi ka kumakanta? “ naisip niya siguro na OO nga, bakit nga ba ako nagkukulong dito? Wala naman nangyayari sa akin…ayun lumabas siya ng kwarto at nagsimulang bumuo ulit ng banda PAN yata ang pangalan ng band nya noon. Tamad lang ba ako? O walang lakas ng loob? O kailangan ko ng isang tao para mag-udyok sa akin na GAWIN MO TO! GAWIN MO TO! IKAW YAN! PAKITA MO KUNG SINO KA! PAALAM MO SA LAHAT NA ETO KA! Bakit ba ako nasa Call Center ngayon? Bakit ko ba natitiis na tumanggap ng tawag sa telepono ng buong araw upang marinig ang mga reklamo at problema ng kung sino sino at halos lahat ng sisi ay ibubuhos sa iyo, mumurahin ka pa minsan kung mamalasin…? Pwes sasagutin ko sa iyo…Una, dahil kailangan mong kumita ng pera, pangalawa, dahil wala kang mapasukang trabaho na linya mo na malaki ang sahod, pangatlo, naiisip mo ang pagtulong sa pamilya mo…bumabalik lahat sa salitang SAKRIPISYO! Aminin mo man, hindi ka na masaya sa ginawa ko, hindi ka na masaya sa trabaho mo, hindi ka na masaya kahit mas malaki ang kinikita mo kaysa noon…Sarili o Pamilya? Mamili ka? Pasensya na Bert, sa ngayon hindi mo muna magagawa ang gusto mo, kailangan mo munang magsakripisyo, hayaan mo, balang araw, magagawa din natin yan…magpipinta din tayo sa malaking canvas, guguhit ng isang komiks, kakanta sa harap ng tao, o di kaya ay aarte sa entablado…konting tiis lang muna, makakaraos ka din, kaya kung ako sa iyo, matulog ka na at may pasok ka pa mamaya…magpahinga ka na, pagod ka lang kaya masama ang loob mo…pagod ka lang…pagod ka lang.

HAMPAS NG ALON Chapter: 3

October 14th, 2007 by gwinchy

…Maaaarrryyyyyyyy aaaaaaannnnnnneee…..
…Maaaaaaarryyyyyyyyy aaaaaaaaaaaaannnnnnneeee….
…MAAAARRRYYYYYYYYYYYY AAANNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNEEEE……
…MAAAAAARRRYYYYYYYYYY AAAAAAAAAANNNNNNNNNNNNNNNNNEEEEE……..
May isang babaeng tumatawag sa pangalan ko, nanggagaling sa malayo yung boses…ilang ulit niyang binabanggit ang pangalan ko…Boses yun ni Inay…si Inay yun tinatawag ako…Inaaayyyy…Innaayyyy nasaan ka???
"Mary Anne…Mary Anne…Gising ka…Gising…."
Nagising ako at bumulaga sa akin ang mukha ng kuya ni Gil…"nananaginip ka" sabi niya…"haaa..aaahhh eh OO, yung nanay ko…" hindi ako makatingin sa kuya ni Gil…"ano nangyari sa nanay mo?" …"wala kuya, wala…hayaan mo na, panaginip lang yun, wala naman masamang nangyari, anong oras na ba? tanghali na yata akong nagising…" umalis na ang kuya ni Gil sa loob ng kwarto at tsaka sinabi "may almusal sa lamesa kung gusto mong kumain wag kang mahihiya…" nakakatuwa naman ang mag-kapatid na ito, kakaiba ang turing nila sa akin…nagtutubig na naman ang mga mata ko…pero pinigilan kong maluha at bumangon na ako at inayos ang aking pinaghigaan. Paglabas ko sa kwarto ay walang tao sa sala o sa kusina, walang tao sa bahay nina Gil kundi ako lang. May naamoy akong pamilyar, amoy tuyo at sinangag na kanin…may nakatakip sa ibabaw ng lamesa, gusto kong tingnan, kaya naman tumingin tingin muna ako sa paligid bago ko tiningnan ang nakatakip, walang tao, walang makakakita, kaya dahan dahan kong binuksan ang nakatakip at doon pala nanggagaling yung amoy ng tuyo na naaamoy ko…ang bango, kaya kumuha na kaagad ako ng pinggan at kutsara at kumain kaagad ako…manilamlam ang tuyo, hindi sobrang alat, at masarap din ang sawsawang suka na may sili at bawang…subo lang ako ng subo na para bang mauubusan, ng biglang paglingon ko sa kaliwa ko ay nandun pala ang si Kuya…pahiyang pahiya ako…parang gusto ko ng tumakbo palabas kahit nabubulunan na ako, ngunit di ko pwedeng gawin yun. "Kain ka lang dyan ha, wag kang mahihiya, pasensya na at yan lang ang handa namin para sa almusal…" hiyang hiya pa din ako dahil namumuwalan ang bibig ko ng kanin…"hhhooooohhheeeegggg….hoooooheeeeegggg" …nakatitig ako kay Kuya…di niya alam na nabulunan na ako…pinilit kong iluwa ng kaunti ang pagkain at tsaka ako sumigaw ng " TUBEEEEEGGGGG!!! TUBBBEEEEEEEEGGGG " napatalon si Kuya sa taranta at dumampot kaagad siya ng pitsel at sinalampak niya sa bibig ko…basang basa ako ng tubig pero nahimasmasan naman ang aking pagkakabulon…" ay sorry sorry nataranta ako…ano ka ba naman kasi, hinay hinay lang…hahahahhahaha" natawa nalang din ako sa nangyari kahit na masakit ang lalamunan ko. Napansin ko na wala si Gil, kaya tinanong ko si Kuya kung nasaan siya " Kuya nasan na si Gil? "  parang hindi ako narinig ni Kuya, tuloy tuloy lang siya sa kusina at naghugas ng pinggan. Hindi ko na ulit tinanong si Kuya, baka mamaya kasi ay mairita pa siya akin, kaya tinapos ko na ang almusal at niligpit ang pinagkainan ko. " Kuya saan ko ba pwede tong hugasan? " nakatalikod lang si Kuya at abala sa paghuhugas " Iwan mo nalang dito sa lababo at ako ng bahala dyan " …" Nakakahiya naman ako na ang maghuhugas? " …pinatay ni kuya ang gripo at biglang humarap sa akin at sinabing " Bisita ka dito, hindi ka dapat naghuhugas, kung ako ba ang bisita mo sa inyo paghuhugasin mo din ba ako? " …natameme ako sa sinabi ni Kuya sa akin, OO nga naman! Nagpaalam na mun ako kay Kuya na pupunta na muna ako sa CR para makiligo ulit at magpalit ng damit, syempre susuotin ko ulit ay yung suot ko kagabi. Paglabas ko ng CR ay napansin ako ni Kuya, " San ka pupunta? bakit nakabihis ka na? " …hindi ko alam kung paano ba ako magpapaalam, parang ayaw ko pa ngang umalis dahil wala pa din si Gil at ayaw ko naman umalis na hindi manlang nagpapasalamat sa kanya. " aahh…ehhh, sa tingin ko Kuya kailangan ko ng umalis, hahanapin ko pa din kasi ang Tiyahin ko at nakakaabala na din ako sa inyo dito…at Kuya nasan ba si Gil? saan siya nagpunta? " alam ko narinig ako ni Kuya, sigurado ako dahil kaharap ko siya ng tanungin ko sya kung nasaan si Gil, ngunit ayaw magsalita ni Kuya, medyo may bakas sa mukha niya na parang natatawa siya, alam mo yung parang may nililihim…Nang biglang may tumakip nalang na kamay sa mata ko na nagmula sa likod, hindi ko matanggal, " AAAYYYY….sino to? sino to? " at ng magawa kong makapiglas, humarap ako, si Gil pala! Parang huminto ang oras ng magkaharap kami, ang ganda ng ngiti niya, tuwang tuwa siya ng makita niya ako, ako naman ay may nararamdamang hindi mapaliwanag, parang ang saya-saya ko din ng makita ko si Gil, " may binili ako para sa iyo, sigurado akong magkakasya yan sa iyo dahil kasing katawan mo ang Nanay " talagang sobrang hiya ko kay Gil, hindi ako makapaniwala kung bakit nila ginagawa ito sa akin, hindi naman nila ako ganun kakilala, napayakap ako kay Gil at tsaka ako humagulgol " Maraming salamat sa inyo, hindi ko alam kung paano ko kayo masusuklian sa mga ginawa ninyo sa akin…(hikbi) ayaw ko sanang tanggapin yan, ngunit alam ko na magagalit ka sa akin kapag hindi ko tinanggap ang mga binili mo…" …niyakap ako ni Gil ng mahigpit at hinimas ang ulo ko " Tahan na, Tahan na…wala yun, hindi mo kailangan kaming suklian o bayaran ni Kuya, ginagawa namin ito dahil ginusto namin at hindi para manghiri ng kapalit…sige na magbihis ka na at mamaya hanapin natin ang bahay ng tiyahin mo, may naisip akong paraan para mahanap natin siya " …bumitaw na ako sa pagkakayakap ko kay Gil at tiningnan ko siya sa mata " Maraming salamat talaga…" Paglingon ko kay Kuya upang magpasalamat, nakita ko siya na parang tutang maamo ang mukha at lungkot na lungkot at umaagos nalang ang luha…ngumiti ako sa kanya at niyakap, ang laki laki ni Kuya " Tahan na Kuya, ayos na ako, Salamat din sa iyo ha? hayaan niyo, kapag akoy nakaraos na, babawian ko talaga kayo, pramis ko yan! " kaagad agad akong nagpalit ng damit at sinuot ang mga binili ni Gil sa akin, ang bilis ng pangyayari para akong si Darna na umusok lang ay iba na ang suot, pero syempre ako walang usok.

Hampas ng Alon :Chapter 2

October 9th, 2007 by gwinchy

Ilang oras na din ang binabyahe ko, halos 12 oras na akong nasa bus, Ubos na ang baon kong pagkain, kaunti nalang ang inumin ko kaya minsan ay umiidlip nalang ako, tulo laway at nagigising na lamang ako kapag may sumasakay na mga maiingay na nagtitinda ng mani, pugo at ang walang kamatayang buko pie, hindi ako mahilig sa buko pie, para sa akin walang kalasa-lasa ang buko pie at nakakasuka at naalala ko lang ang nanay ko noong nalaglag siya sa puno ng buko, kaya ayokong nakakarinig ng salitang BUKO. Sa stop over lang ako nakakababa ng bus, para jumingel at makapagunat-unat, sa isang stop over naman ay may nakita akong magkasintahan, ang saya-saya nila, tawa sila ng tawa habang kumakain ng hotdog at humihigop ng sopdrinks na nasa supot, inaamin ko na naiinggit ako sa kanila, wala pa kasi akong nakakarelasyon, may mga nanligaw sa akin noon pero hindi ko tinanggap, para tuloy akong nagsisisi, ngunit sabi ko na uunahin ko muna ang pamilya ko bago ang sarili ko, nilihis ko nalang ang tingin ko at sumakay na ulit sa bus. Ilang oras pa din ang byahe ko, mga 3 hanggang 5 oras pa siguro, kaya naman umidlip nalang ulit ako sa bus para hindi maramdaman ang lungkot at kaunting pagkalam ng tiyan ko. Makalipas ang ilang sandali pa ay naalimpungatan ako, at pagtingin ko sa bintana ay nagulat na lamang ako at nanlaki ang aking mga mata sa naggangandahang mga gusaling dumambal sa aking pagmumukha! ”WOW ANG GANDA” napasigaw ako at manghang mangha, pati nga yung katabi ko ay nagulat sa akin dahil sa lakas ng boses ko, napahiya ako ng kaunti, pero ayos lang, hindi naman niya ako kilala eh…ang mga napapanood ko sa TV, eto na, nasa harapan ko na! Nagalak ako ng sobra, parang isang panaginip, ngunit hindi naman, gising na gising ako. Patuloy sa pag-arangkada ng bus habang ako naman ay aliw na aliw sa tanawin. ilang sandali pa ay dumating na ang bus sa terminal ng cubao. Ang ganda ng mga gusali sa cubao, lalo na yung mga ilaw na nakabihis sa mga ito, at napakalaki pala ng Araneta Coliseum, parang UFO…lakad lang ako ng lakad, ang dami daming tao sa lansangan, May pamilya, magkakaibigan, magka-relasyon, at mayroon pa ngang mga lalaking mga naka-meykap at mas maganda pa ang mga kutis kaysa sa babae, walang pekas ang kutis ngunit mukha silang bakla pero hindi naman, ewan ko, hindi din ako sigurado. Napagod na din ako sa paglalakad, kasama na din yung pagbyahe ko ng pagkatagal-tagal, natagtag kasi ako sa byahe. Ngunit alam mo, napansin ko lang na madaming tumitingin sa akin, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil probinsyana ako at mukha akong tanga na manghang-mangha sa aking mga nakikita, o baka dahil sa suot kong blaws na puno ng makikintab na palara…o baka dahil sa bag kong Hello kitty na kulay pink…imported yata ito, galing japan ah! huminto muna ako sa isang sulok at dun ako nagsimulang magantay ng mapagtatanungan kung paano ba ako makakarating sa Mandaluyong. Bawat taong pinagtatanungan ko ay nilalayuan ako at madalas nilang sabihin na "WALA" o di kaya " PASENSYA NA" sabay mabilis silang maglalakad papalayo. Napansin kong wala akong napagtatanungan kaya umalis nalang ako sa pwesto ko, siguro akala nila pulubi ako at nanghihingi ng palimos.

Sa sobrang aliw ko sa aking mga nakikita ay hindi ko na napansin na halos 2 oras na pala akong palakad-lakad at nawala na sa isip ko na pupunta pa pala ako sa tiyahin ko. Sa isang mall na magsasara na ay may nakasalubong akong gwardya, nagtanong ako sa kanya at pinakita ko sa kanya ang address ng tiyahin ko, at tinanong ko siya kung saan ba ang patungong Mandaluyong, sa kanya ako nagtanong kasi alam ko na kapag sa gwardya ako nagtanong ay hindi ako nito lolokohin, sabi sa akin ng gwardya na sumakay pa daw ako ng bus papuntang Alabang (saan ba yun?) kaya naman kinilaro ko sa kanya kung paano, sabi niya sa akin na madali lang daw at tinuro niya sa akin ang daan papunta sa EDSA at doon daw ako makakasakay ng bus, kaya nag-pasalamat ako sa kanya, ang bait niya, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko siya na nagsalita "Ingat ha!"  nakangiti pa din ang gwardya sa akin nang nilingon ko siya…ngumiti nalang ako at patuloy na naglakad patungo sa EDSA lakad lang ng lakad na para akong namamasyal sa ibang mundo at sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang may lumapit sa akin babaeng mukhang manikin, "HOY WALANG HIYA KA, IKAW ANG KABIT NI ARIEL DIBA?…AHAS KA MANGAAGAW KA NG ASAWAAAA" galit na galit sya sa akin, at sinigaw sigawan niya ako sa harap ng madaming tao, ang daming napapatingin sa amin, ngunit umiiwas sila, hindi ko siya kilala, wala akong kilalang Ariel, "Hindi kita kilala, hindi ko alam ang sinasabi mo" tumalikod ako at iniwasan siya, ngunit hindi ko alam na bigla nalang niya akong sinabunutan at kinaladkad, ang sakit ng sabunot niya at halos matanggal ang anit ko, ang bilis ng pintig ng puso ko, kinabahan ako, mahilo hilo ako ng binitawan niya ako, ngunit hindi pa siya natapos at pinagsasampal naman niya ako, buti nalang naisasangga ko ang aking kamay, napahiga na ako sa sahig at nagbanta na ang babae na sipain ako ngunit bago pa man umabot ang paa nya sa sikmura ko ay may humawak sa paa niya…natahimik ang lahat…hulaan ninyo kung sino yung umawat? Si Manong Guard!!! Niligtas niya ako sa kapamahakan, tumakbo na yung babae papalayo sa amin, itinayo niya ako at nagpagpag ng mga buhangin na dumikit sa aking balat, pawis na pawis ako sa takot… ”OK ka lang?” sabi ni Manong Guard, sabi ko ”OO ayos lang ako kaso masakit ang balakang ko sa pagkakabagsak”…”Halika dun muna tayo sa may tindahan ng siopao, lumayo tayo dito at baka bumalik pa yun ng may kasama at para makapagpahinga ka din" hindi ako nagsalita, talagang takot na takot ako, nanginginig sa takot…ngunit sumama na din ako kay Manong Guard para malayo ang sarili ko sa maaari pang mangyari…"tutal kakatapos lang ng duty ko at sahod ngayon, ililibre nalang kita” ika ni Manong Guard…” nakalayo na kami ng bigla kong naalala "Teka, Teka…yung bag ko nasaan na?…Yung Bag ko…NAWAWALA YUNG BAG KO!!! NANDUN LAHAT NG MGA GAMIT KO, NANDUN YUNG ALKANSYA KOOOO!!!”  iyak ako ng iyak, hindi ko malaman ang gagawin ko, hindi ko mapaliwanag kung bakit nawala yung bag ko, ang bilis ng pangyayari, parang hangin lang na dumaan sa harapan ko…” Nasindikato ka Miss, yung babaeng nambubugbog sa iyo kanina, sindikato yun, marami nun dito sa maynila, pero tahan na, alam kong masakit pero wala na tayong magagawa kahit ipa-blotter pa natin sa pulis yan, hayaan mo akong bahala sa iyo, ligtas ka sa akin”. Mukha naman mabait siya, kumain kami ng siopao at binilhan na rin niya ako ng gulaman…" Gil…” may sinabi si Manong Guard…” Gil ang pangalan ko” …aba opportunista yata to ah, pero ok lang sabi ko sa sarili ko, tutal siya ang tumulong sa akin…”Aaaahhh…ako si Meng…ah eh Mary Anne pala…” hiya ako kasi ayaw ko na nung Meng Meng ang tinatawag sa akin eh..yung Mane naman parang ambastos." Maswerte ka pa miss at yan lang nangyari sa iyo, noong isang buwan kasi may sinaksak dyan na lalaki at yung mga sindikato din ang may kagagawan "
…hindi ako umiimik, nakatingin lang ako sa siopao na hawak ko at nanginginig pa din, napansin yun ni Gil…" Sorry, sorry…dapat hindi ko na sinabi yun sa iyo at baka lalo kang natakot…sorry talaga" …napatingin ako kay Gil, kitang kita ko sa mata niya na talagang nag-alala siya sa akin dahil sa sinabi niya…" OK lang ako, inaalala ko lang naman yung bag ko at paano ako makakapunta sa tiyahin ko "…naiyak na naman ako pagkatapos kong sabihin yun…hindi malaman ni Gil kung paano niya ako patatahanin, hanggang sa pagtingin ko sa mukha niya ay mayroon pa siyang sarsa sa ibabaw ng kanyang ilong, natawa nalang ako at sinabi sa kanya…hindi naman kapangitan si Gil at mukha naman talagang mabait…pero ang problema ko pa din ay paano na ako at wala na ang mga gamit ko, pati yung address ng tiyahin ko nandun sa bag at hindi ko kabisado kung saan yun, ang naalala ko nalang ay yung mukha nya at pangalan..paano ko ba siya makikita…paano?… Sabi sa akin ni Gil na medyo gabi na daw at nagsisimula ng umambon at kung gusto ko daw na tumuloy na muna ako sa kanila at bukas ko nalang hanapin ang Tiyahin ko…nag-isip ako sandali, sa tingin ko tama si Gil at baka kung mapaano pa ako sa kalsada, kaya sumama na ako kay Gil at tumuloy kami sa kanila, malapit lang sa Cubao, sa Proj. 6, ewan ko kung anong project meron dun pero pang-anim na.

Basang-basa kami sa ulan Pagdating namin sa bahay ni Gil, pinakilala niya ako sa Kuya niya na nagulat sa amin dahil nakahandusay sa sahig at nanonood ng TV, Grabe sa katabaan ng kuya niya, mukhang kumakain ng bata, pero cute sarap panggigilan parang si Jollibee…Silang dalawa lang ang nakatira sa bahay nila dahil ulila na sila sa magulang, tumayo kaagad yung kuya ni Gil at pinatuloy ako, sabi wag daw akong mahihiya, "Kumain na ba kayo?" sabi ng kuya ni Gil, na may malaking boses, parang garalgal na malaki ang boses, " Naiilang nga ako eh, kasi ako lang ang babae, ngunit wala akong magawa, si Gil lang ang nakita kong mabait sa akin ng mga oras na yun…at yung Kuya niyang mataba na nag-abot sa akin ng kumot at unan at nag-alok ng kama niya sa akin, sabi niya sa sopa nalang daw siya matutulog, tulog nga kaagad pagkahiga sa sopa eh…ang bait nilang dalawa at talagang sinuwerte yata ako…"Nakakahiya man sabihin to pero kung gusto mong maligo, nandyan lang ang CR at pahihiramin nalang kita ng twalya at damit ng nanay ko…" sabi ni Gil…hindi ko alam kung maliligo nga ba ako, natatakot ako na baka may mamboso sa akin, malay ko ba kung bosero pala sila ng kuya niya…ano ba ito, kung ano anong iniisip ko…kaya naman inamoy ko ang sarili ko ng palihim at ang baho ko na, nagsisimula na akong magkaroon ng anghet, kaya pumayag na din ako…Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Gil na nag-titimpla ng kape…"Kasyang kasya sa iyo yang damit ah! parang sinukat…Oh magkape ka muna at medyo malamig ngayong gabi, pasensya ka na sa bahay namin ah at medyo maliit at….." bago pa matapos si Gil ay "Ano ka ba…Ayos lang noh, kung makikita mo ang bahay namin sa probinsya baka hindi ka na tumuloy…at hindi ako maarte…" sabay higop ng kape…"aray…sobrang init pala…" pahiya kang probinsyana ka…Natawa si Gil sa akin pero nag-alala din siya, nakakatawa naman kasi eh, tinanong ko si Gil kung taga maynila din ba sila…" Laking maynila kami ng kuya ko…pero ang totoo hindi kami talaga magkapatid…ang layo ng mukha namin diba?" …"seryoso ka ba?" ika ko…" ano sa tingin mo?" ….tumahimik nalang ako at hindi sumagot…"Totoo, kinupkop lang ako ng mga magulang ni Kuya noong bata pa ako, nakita nila ako sa terminal ng trisikel, umiiyak, hinahanap ang nanay ko, hindi nila alam kung bakit ako nandun noon, pero sinubukan nilang hanapin ang mga magulang ko pero hindi na talaga nila makita, hanggang sa nagsawa na sila at sila na lamang ang nag-alaga sa akin…High-School na ako nun noong nalaman ko ang lahat, naglayas ako noon, pero bumalik din ako noong matanggap ko na ang katotohanan, tutal hindi naman nila ako pinabayaan eh, hindi kagaya ng mga totoo kong magulang na hindi man lang ako hinanap…" napansin ko na nagsisimula ng magtubig ang mata ni Gil kaya sumingit na ako kaagad…"Maswerte ka pa alam mo, kasi may kumupkop sa iyo, eh yung ibang bata nakita ko sa kalye kanina, parang sa kalye na sila nakatira eh, tsaka yung mga taong grasa…ako din swerte ako…dahil may kumupkop sa akin" sabay ngiti na medyo maluha-luha din ang mata…"Tama na nga yan at baka magiyakan pa kayo!" …yung Kuya ni Gil, gising pa pala at nakikinig…"naku yang si Gil, ganyan talaga yan, mahilig tumulong sa kapwa, kaya nga tingnan mo nag-sekyu sa shopping mall" …"Matulog ka na nga lang dyan DUMBO! nakikisali ka na naman sa usapan ng mga bata…" biro ni Gil sabay kindat sa akin…" yang si Kuya, tamad yan kaya lumaki ng ganyan yan eh, kain lang ng kain at madalas pang uminom ng alak…pero mahal na mahal ko yan kahit ganyan yan, siya nalang kasi ang natitira kong pamilya…ako ang bread winner sa amin, siya naman sa gawaing bahay at pagbebenta ng cellphone load para mayroon siyang konting income at pambili niya ng kung ano-ano, malakas din naman kumita yung pagloload niya, nakaka 300 siya minsan sa isang araw at kapag sinuwerte ay 500, at ako naman sa labas at magdamag na nagbabantay, check ng bag, check ng mga bulsa at nagaabang na may mangyaring masama…nakakainip pero kailangan tiisin ko, maganda naman ang pamamalakad ng agency namin eh, hindi kami lugi at walang politika sa loob, at dagdag pa, kasi nagiipon ako para makapag-abroad…si kuya di siya pwedeng mag-abroad at baka hindi makalipad ang eroplano sa bigat niya…hahahahahahaha" napalakas ang tawa ni Gil, ako naman natawa din pero mahinahon lang, baka kasi sabihin ng kuya niya ay pinagtatawanan ko siya…" eh ikaw bakit ka nasa maynila?" …nasamid ako sa tanong ni Gil, ngunit sumagot din ako kaagad " aahh…ako….aahh…eeehhh nagpunta ako dito dahil maghahanap ako ng trabaho, kaso sa kasamaang palad naman ay bigla ngang nawala ang bag ko at masakit pa din ang anit ko sa pagsabunot nung babae kanina"…sabay kamot ako sa ulo ko…"ANO? MAY SUMABUNOT SA IYO KANINA????" nagulat kami ni Gil dahil biglang bumangon ang Kuya niya sa pinagkakahigaan…" Saan nangyari ito? sa Cubao? saan? tarantado yun mga yun ah…may nakuha ba sa iyo? matagal na yang sindikato na yan eh, dapat sa mga yan pinaliliguan ng gas sabay sunugin sa plaza at i-televise!!!" …gigil na gigil na sinabi ng Kuya ni Gil…" OK lang ako, may konting galos lang dahil napadapa ako sa sahig, si Gil ang tumulong sa akin…muntik na akong masipa sa sikmura ng biglang dumating si Superman…hehehehe"…walang bakas ng ngiti sa mukha ng kuya ni Gil, hindi siya natawa sa sinabi ko, bumangon siya at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig…ilang sandali lang ay may narinig kaming nabasag na pinggan…" Aayyy….ano yun? yung kuya mo yata?"
…pinuntahan kaagad namin ni Gil at nakita namin ang kuya niya na may hawak hawak na paa ng manok at puno ng mantika ang bibig…" Pasensya na gutom lang ang baboy!…ako na bahala dito, wag niyo na akong intindihin, tapusin niyo na ang pinaguusapan niyo at gabi na, matulog na tayong lahat at iyang si Mary-Anne ay mukhang pagod na."…hindi ko na naikwento kay Gil ang buhay ko, inubos nalang namin ang kape at itinuro sa akin ni Gil kung saan ako matutulog, isa lang ang kwarto nila, may double deck na kama, sa taas na daw matutulog si Gil para kapag tinawag ako ng kalikasan ay madali akong makakabangon…nahiga na kami at si kuya naman ay pinatay na ang ilaw at natulog na din sa sopa…wala pang limang minuto ay napansin kong tulog na din si Gil, medyo naghihilik siya, madilim sa loob ng kwarto, pero may konting liwanag naman na pumapasok galing sa bintana…hindi ako makatulog, namamahay ako, iniisip ko yung Bag ko, hindi pa din ako mapakali, paano kaya ako makakapunta sa tiyahin ko? Paano ako makakabalik sa amin, ano nalang ang sasabihin ko kina inay at itay…naluha nalang ako, humihikbi ng kaunti, pero pinipigilan ko dahil ayaw kong magising sina Gil, naawa ako sa sarili ko, sana hindi nalang ako nagpunta dito sa maynila, sana hindi nangyari ito, sana hindi ako nagpumilit, sana nakinig nalang ako kina Inay… hindi naman ako pwedeng magtagal dito kina Gil at nakakahiya sa kanya at sa kuya niya… bahala na… bahala na… at pinikit ko nalang ang mata ko hanggang makatulog.